Rapper na kilala bilang si 'Poorstacy' pumanaw na sa edad na 26

Rapper na kilala bilang si 'Poorstacy' pumanaw na sa edad na 26

  • Yumao ang rapper na si Poorstacy sa edad na 26, ayon sa artikulo na inilathala ng PhilSTAR Life
  • Kumpirmado ng Boca Raton Police Department ang pagpanaw noong Nov. 29
  • Ang mga kaibiga niyang musikero gaya nina Travis Barker at Oli Sykes nagbigay-pugay
  • Hindi pa inilalabas ang detalye tungkol sa sanhi ng pagkamatay

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Poorstacy/@poorstacy on Instagram
Poorstacy/@poorstacy on Instagram
Source: Instagram

Yumao ang rising rapper na si Poorstacy sa edad na 26.

Kinilala siya ng mga awtoridad bilang si Carlito Milfort Jr.

Kumpirmado ng Boca Raton Police Department ang pagpanaw niya noong Nov. 29.

Hindi nagbigay ng ibang detalye ang pulisya, kasama na ang dahilan ng kanyang pagpanaw.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ayon sa imbestigasyon, nagmula ang tawag sa isang hotel sa Boca Raton.

May naganap na medical emergency at dinala siya agad sa kalapit na ospital.

Ayon sa ulat, naka-check in siya sa hotel nang 10 araw kasama ang isang babae at isang bata.

Naglabas ng pagdadalamhati ang ilang sikat na musikero.

Read also

Nag-viral na “kasal” ni Kiray, music video shoot lang pala

Nagbigay-pugay si Blink-182 drummer Travis Barker, na nakatrabaho niya sa mga kantang Choose Life at Nothing Left noong 2020.

Sinabi ni Barker, Rest in peace. You'll never be forgotten, at nag-post ng video nila habang magkasamang tumutugtog.

Nagpahayag din ng lungkot si Oli Sykes ng Bring Me the Horizon.

Nag-share siya ng larawan nila at nilagyan ng caption na R.I.P kasama ang black heart emoji.

Nakilala si Poorstacy sa pinaghalong tunog ng emo rap, punk rock, at heavy metal.

Naging bahagi rin siya ng soundtrack ng pelikulang Bill & Ted Face the Music noong 2020.

Ang emo rap ay isang uri ng rap na hinaluan ng emosyonal na tema at tunog na parang sa emo rock music.

Madalas itong may mabigat na paksa tulad ng lungkot, heartbreak, depresyon, o personal na struggle.

Basahin ang artikulo na nilathala ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa kwentong ito.

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.

Read also

Sotto issues statement confirming Senate documents unaffected by Sunday morning fire

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: