Gloc-9, emosyonal nang sabihing regalo sa anak ang kantang 'Sirena': "My son is gay"

Gloc-9, emosyonal nang sabihing regalo sa anak ang kantang 'Sirena': "My son is gay"

- Emosyonal na isiniwalat ni Gloc-9 ang gender preference ng anak

- Ito ay nang mapag-usapan sa panayam sa kanya ang tungkol sa kantang 'Sirena'

- Bagama't 2012 pa unang inilabas ang awitin, nagmarka na ito sa maraming Pilipino lalo na sa LGBTQ community

- Masasabing hindi lamang ito regalo ni Gloc para sa sarili kundi para sa kanyang anak

Emosyonal Gloc-9 nang buong tapang na mabanggit nito ang gender preference ng kanyang anak.

Gloc-9, emosyonal nang sabihing regalo sa anak ang kantang 'Sirena': "My son is gay"
Gloc-9 (@glocdash9)
Source: Instagram

Sa panayam sa kanya ng ABS-CBN, napag-usapan nila ang tungkol sa isa sa mga kanta niyang labis na tumatak sa puso ng mga Pilipino lalong-lalo na sa LGBTQ community, ang 'Sirena.'

Lampas isang dekada na buhat nang mai-release ito, marami pa rin ang kumikilala sa makabuluhang awitin na ito ni Gloc-9 kasama si Ebe Dancel.

"'Yung song na 'yan, 'nung ire-release namin 'yan, takot na takot ako. Takot na takot dahil ayaw kong maka-insulto ng tao. Alam ko kasi 'nung sinulat ko 'yan, hindi ko tsinelas o sapatos ang suot-suot ko. Ako’y nagsuot ng ibang sapatos o tsinelas," paliwanag ni Gloc-9

Read also

Dennis Padilla, Idinetalye ang birthday greeting sa kanya ni Julia: "Tumulo 'yung luha ko"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Kaya ako natatakot kasi ayaw kong may naisulat ako 'dun na baka 'eh sira ulo pala ito hindi naman 'to ganyan," dagdag pa niya.

Kaya naman laking gulat niya sa positibong reaksyon ng publiko lalo na iyong nakaka-relate umano sa mensahe ng awitin.

"'Yung isa talaga humahagulgol at the end of the song. And then she said, "Nararamdaman ko 'yan kasi 'yan ang buhay ng best friend ko. Maraming salamat.'"
"Minsan nag-guest ako sa isang show sa ABS. Isang bouncer, 'idol, salamat ha.' Sabi ko, bakit?’ 'Kasi 'yung anak ko sirena rin eh. Nung narinig ko 'yung kanta mo, naliwanagan ako.'"

At doon, hindi na napigilan pa ni Gloc ang kanyang luha nang isiwalat ang tungkol sa anak.

"My son is gay. 'Nung sinulat ko 'yun, hindi niya pa sinasabi sa amin. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa anak ko na, kung gaano ko siya kamahal,” naluluhang nasabi ni Gloc.

Read also

Ogie Diaz, di naniniwala sa chismis na hiwalay na si Sam Milby at Catriona Gray

"Hindi naman ako ma-showbiz and I think para sabihin ko ito now, ako ay proud na proud sa anak. Ako ay excited sa kung ano man ang kaya niyang ma-achieve sa buhay niya."

"Minsan iniisip ko how life gives you hints of magic here and there. 'Nung natapos ko 'yung Sirena hindi ko naman alam. And I don't mind. Anak ko 'yun," giit pa niya.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Gloc mula sa ABS-CBN News YouTube:

Si Aristotle Pollisco o mas kilala bilang si Gloc-9 ay itinuturing na isa sa mga "Best Filipino rappers of all-time". Nagsimula ang kanyang career noong 1990 ngunit mas nakilala siya noong taong 2003 nang mag-release siya ng solo album.

Si Gloc-9 ang nagpasikat ng mga kantang "Sirena" kung saan nakasama niya ang isa ring OPM artist na si Ebe Dancel, “Hari Ng Tondo,” at “Simpleng Tao." Laging nababanggit ni Gloc ang paghanga niya kay Francis Magalona na isa sa mga naging inspirasyon niya sa kung anoman ang tinatamasa niyang tagumpay ngayon sa musika.

Read also

DongYan, thankful sa pagkilala ng senado sa tagumpay ng pelikulang 'Rewind'

Samantala, matatandaang nag-viral ang post ni Gloc sa kasagsagan ng pandemya noong 2020 nang pasukin niya pansamantala ang online business. Tulad kasi ng iba ng mga artist na natigil ang hanapbuhay, isa siya sa nakaisip na pumasok sa pagnenegosyo habang nasa bahay nang mga panahong iyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica