Pinay Westlife fan na naka-wedding gown sa concert, naka-pagselfie kasama ang mga idolo

Pinay Westlife fan na naka-wedding gown sa concert, naka-pagselfie kasama ang mga idolo

- Masuwerteng nakapagpa-picture ang isang Pinay Westlife fan sa kanyang mga idolo

- Ito marahil ay dahil sa suot niyang wedding gown, dahilan para madali silang mapansin sa event

- Nabigyan siya ng tsansang makaakyat ng stage kung saan hindi na niya napigilang maluha

- Nagkaroon ng dalawang gabing concert ang grupong Westlife na nagpasikat ng mga kantang "If I let you go", "My Love", "Flying without wings" at marami pang iba

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Super lucky fan talagang maituturing si Shara Ann Salcedo nang makaakyat siya sa stage ng kanyang iniidolo na 'Westlife' nang magkaroon ito ng concert sa Pilipinas noong Pebrero 20 sa Araneta coliseum.

Pinay Westlife fan na naka-wedding gown sa concert, naka-pagselfie kasama ang mga idolo
Ang grupong Westlife kasama ang kanilang masuwerteng fan (Shara Ann Salcedo)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na isa si Shara sa nagsuot ng wedding gown habang nanonood ng kanyang mga idolo at nakikikanta sa mga awitin nitong 'Uptown girl', 'If I let you go' 'My Love' at marami pang iba.

Read also

Anne Curtis, binahagi ang 2012 vs 2024 picture niya suot ang parehas na shirt

"From Edited Picture to Reality!! Dream come true indeed," ani Shane sa ilang mga post niya tungkol sa masasabing unforgettable night niya kasama ang mga idolo.

Naikwento rin ni Shara ang pinagdaanan nila ng kasamang si Katryn bago sila makarating sa venue ng concert.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Habang papalapit na sa araneta iba na pakiramdam ko nervous, excitement, naiiyak iyak ako hindi ko alam pero ayun pagbaba ng sasakyan sumalubong ang fans na mga nakangiti at natutuwa sa aming paandar"

Narito ang kabuuan ng kanyang post sa masayang Westlife experience nila:

Ang Westlife ay isang Irish pop vocal group mula Dublin Ireland na nabuo noong 1998. Binubuo ito nina Shane Filan, Mark Feehily, Kian Egan, at Nicky Byrne. Naging miyembro nila si Brian McFadden subalit maaga nitong nilisan ang grupo noong 2004. Na-disband man noong 2012, muli nabuhay sa music scene ang Westlife noong 2018

Read also

Ava Mendez: “Parang mas okay sa amin ang friendship kesa relationship”

Nito lamang February 20 at 21 ay nagkaroon nga ng concert ang Westlife sa Pilipinas na ginanap sa Araneta Coliseum. Isa nga ang Kapuso actress na si Yasmien Kurdi ang dumalo sa nasabing concert at aminadong Westlife fan noon pa man.

Gayundin ang kapwa niya Starstruck member na si Nadine Samonte ay isa umanong Wetlife fan. Kamakailan, hindi rin ito makapaniwala nang i-follow siya ng ilang miyembro ng grupo sa Instagram.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel