Ava Mendez: “Parang mas okay sa amin ang friendship kesa relationship”

Ava Mendez: “Parang mas okay sa amin ang friendship kesa relationship”

- Kinumpirma ni Ava Mendez ang paghihiwalay nila ni Daryl Jake Ruiz o mas kilala bilang Skusta Clee

- Sa isang panayam ng Pika Pika Ph idinetalye ni Ava ang kanyang saloobin tungkol sa kanilang paghihiwalay

- Aniya, sinubukan nila ngunit hindi magtugma ang plano nila sa kani-kanilang personal na buhay

- Nabanggit niya din na parehas nilang desisyon ni Skusta ang tungkol sa kanilang paghihiwalay kaya aniya ay maayos naman sila

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naibahagi ni Ava Mendez ang ilang detalye kaugnay sa paghihiwalay nila ni Skusta Clee. Sa panayam sa kanya ng Pikapika Ph, sinabi niyang parehas nilang desisyon ni Skusta ang paghihiwalay nila.

Ava Mendez: “Parang mas okay sa amin ang friendship kesa relationship”
Ava Mendez: “Parang mas okay sa amin ang friendship kesa relationship” (@facebook.com/avamendezofficial)
Source: Facebook

Tinanggi niyang baka tinatago lang nila ang kanilang relasyon.

“Hindi kami nagtatago. May mga bagay talaga na hindi match and [sinubukan] naman namin. Okey naman talaga,"

Read also

Rufa Mae Quinto, tinuruan ni Herlene Budol ng Pasarela

Aniya, sinubukan nila ngunit hindi magtugma ang plano nila sa kani-kanilang personal na buhay.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

“Pero ambisyosa talaga akong tao and ang dami ko pang gustong gawin. So, parang hindi ko kaya [na ipagpatuloy ang pakikipagrelasyon]. Basta nangyari na lang tapos nag-go with the flow. And then, okey naman s’ya. Parang masasabi ko na lang siguro pag friendship mas okey kesa sa relationship.”

Aniya, sa kasalukuyan ay magfo-focus sa kanyang trabaho at negosyo.

“Pero for now, nag-focus ako sa work and then sa negosyo, and then ’yong mga gusto ko pang gawin kasi kapag na-in love naman ako doon naman ako naka-focus, ’di ba?” natatawang dagdag ni Ava.

Si Daryl Jake Borja Ruiz o mas kilala bilang si Skusta Clee ay isang Pinoy rapper, singer-songwriter, record producer, at member ng hip-hop group na Ex Battalion o Ex-B na sumikat sa kanilang hit single na "Hayaan Mo Sila." Kabilang sa pinasikat na kanta ni Skusta Clee ay "Zebbiana", "Pauwi Nako", at "Lagi".

Read also

Zeinab, nang magsabi si Lucas sa teacher ng problema niya: "Durog na durog ang puso ko"

Sa naunang post naman ni Skusta Clee sa Facebook, wala itong binanggit na pangalan ngunit may sinabihan ito ng "panget mo sumayaw." Muli siyang napabilang sa popular search sa Facebook kasunod ng kanyang maiksing Facebook post. Simula nang lumabas ang balita tungkol sa paghihiwalay nila ni Zeinab ay kaagad na umaani ng atensiyon ang kanyang mga social media posts. Sa kanyang unang pahayag ay walang direktang sinabi si Skusta kaugnay kay Zeinab ngunit aniya ay mas natutunan niyang mahalin ang sarili niya.

Nag trending din si Skusta Clee matapos ang kanyang nakakaintrigang Facebook post ngayong araw gamit ang kanyang personal na Facebook account. Sa naturang post ay wala itong binanggit na pangalan ngunit tungkol ito sa aniya'y taong nagloko din ngunit hindi lang umamin. Ilang oras matapos ang pag-post niya nito ay nasa "popular search" sa Facebook ang pangalang Skusta Clee. Agad na umani ng samu't-saring reaksiyon at komento ang kanyang post.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel