Pirmadong gitara ng Eraserheads, pumalo sa Php1.3M ang bid para kay Gab ng Parokya ni Edgar
- Umabot sa 1.3 million pesos ang halaga ng bid ng pirmadong gitara ng Eraserheads
- Ang halagang ito ay ilalaan sa pagpapagamot ng gitarista naman ng bandang Parokya ni Edgar na si Gab
- Matatandaang Enero ng kasalukuyang taon nang isapubliko ni Chito Miranda ang lagay ni Gab na noon pa ma'y nasa ICU na
- Ngayong Valentine's day, nagbigay ng update ang Parokya sa pagbisita nila kay Gab na nasa ICU pa rin
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Pumalo sa halagang Php 1.3 million ang bid ng gitarang pirmado ng lahat ng miyembro ng Eraserheads.
Nalaman ng KAMI na ang naturang halaga ay ibibigay kay Gab Chee Kee, ang gitarista ng bandang Parokya ni Edgar na kasalukuyan pa ring nasa ICU at nakikipaglaban sa kanyang karamdaman.
Ayon sa Parokya ni Edgar page, Pebrero 4 ng 12 ng tanghali nagsimula ang bidding.
Tumagal ito ng 10 araw at pagsapit ng Pebrero 14 ng 12 din ng tanghali, umabot nga sa Php1,300,000 ang gitarang pirmado ngayong 2023 nina Ely Buendia, Raymond Marasigan, Marcus Adoro at Buddy Zabala ng Eraserheads.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Labis-labis ang pasasalamat ng banda gayung napakalaking tulong nito sa pagpapagamot ni Gab.
"At exactly 12:00nn of February 14, we received one final bid of ₱1,300,000.00 and was confirmed. Congratulations to the winner! An SMS and email will be sent to you with details on claiming the guitar! From the bottom of our hearts, salamat sa lahat na nag-bid! Salamat kay Raimund, Marcus, Buddy, at Ely! Salamat sa D&D Custom Guitars! Gagaling yang si Gab!"
Enero ng kasalukuyang taon nang kumpirmahin ng bokalista ng bandang Parokya ni Edgar na si Chito Miranda ang lagay ng kanyang best friend at kabanda na si Gabriel Chee Kee.
Sa post ni Chito, sinabi nitong mayroong lymphoma si Gab na bagam't handa ito sa pagpapa-chemotherapy, tinamaan naman ito ng pneumonia dahilan para siya'y malagak sa ICU mahigit isang buwan na ang nakalipas.
Nito lamang Valentine's day, nagawa nilang bisitahin si Gab. Bagama't unti-unti nang bumubuti ang lagay nito, hiling pa rin nila ang patuloy na tulong at dasal parasa kanilang kabanda.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh