Ely Buendia, binisita si VP Leni at niregaluhan ito ng Eraserheads limited edition vinyl

Ely Buendia, binisita si VP Leni at niregaluhan ito ng Eraserheads limited edition vinyl

- Binisita ni Ely Buendia si Vice President Leni Robredo sa opisina nito

- Mismong si VP Leni ang nagbahagi ng larawan ng pagbisita sa kanila ni Ely

- Ipinakita rin niya ang Eraserheads 25th Anniversary Limited Edition vinyl na ibinigay nito sa kanya

- Nabulabog daw ang kanilang opisina na marami pa lang Eraserheads fans

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Bumisita ang dating lead singer ng Eraserheads na si Ely Buendia sa opisina ni Vice president Leni Robredo.

Nalaman ng KAMI na mismong si VP Leni ang nagbahagi ng larawan ng pagbisita nito ni Ely at "nabulabog" daw talaga ang kanilang opisina sa pagdating ng sikat na bokalista.

Ely Buendia, binisita si VP Leni at niregaluhan ito ng Eraserheads limited edition vinyl
Ely Buendia at VP Leni Robredo (Photo from Leni Gerona Robredo)
Source: Facebook

Binigyan pa raw siya nito ng Eraserheads 25th Anniversary Limited Edition vinyl na labis na ikinatuwa ng bise presidente.

Pinasalamatan niya si Ely lalo na at marami sa kanyang mga tao sa opisina ay fan pala ng Eraserheads.

Read also

Mimiyuuuh, napaamin si VP Leni Robredo kung sino-sino ang mga gusto niyang artista

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, ang mga netizens naman lalo na ang mga fans ay lalong nasabik dahil sa pagkikita na ito nina VP Leni at Ely.

Matatandaang minsang naitanong sa kanya ng isang fan kung maari muling magkaroon ng Eraserheads reunion.

"If Leni runs" naman ang naisagot dito ni Ely. Kaya naman ngayon na kumpirmado na ang pagkandidato ni VP Leni sa pagka-pangulo sa darating na Eleksyon 2022, lalong na-excite ang fans.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Ayan na nagkita na sila, nangangamoy concert na po Eheads fans"
"OMG! Reunion concert po ba ng Eheads sa pagsupport na rin po kay VP Leni?"
"Pano ba yan sir Ely, tumakbo nga si Madam VP Leni, concert na po 'yan"
"Kahit pa virtual concert yan manonood ako, reunion niyo na po please sir Ely"

Read also

Vilma Santos, inalala ang pagtusok sa kanya ng perdible ng hater

"Good to see you together po. Gusto ko rin ng vinyl ng Eheads and of course, reunion show po"

Si Ely Buendia ang band vocalist ng Eraserheads na sumikat noong 90's. Taong 2002 nang inanunsyo nilang disbanded na ang kanilang grupo. 2008 naman nang magkaroon sila ng reunion concert gayundin ang album mula sa event na ito.

Muling gumawa ng ingay si Ely nang magkomento ito sa isang fan na mauulit lamang ang hiling na reunion concert kung tatakbo umano si VP Leni sa hindi naman nabanggit na posisyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel