Mimiyuuuh, napaamin si VP Leni Robredo kung sino-sino ang mga gusto niyang artista

Mimiyuuuh, napaamin si VP Leni Robredo kung sino-sino ang mga gusto niyang artista

- Nagpaunlak ng panayam si Vice President Leni Robredo sa YouTube Star na si Mimiyuuuh

- Bukod sa ipinagluto siya nito ng kanyang famous lugaw, marami rin siyang payo sa vlogger

- Napaamin naman ni Mimiyuuuh kung sino ang celebrity crush umano ng bise presidente

- Maging ang mga hinahangaan nitong mga artistang babae ay nabanggit din niya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Isang masaya at makabuluhang interview ang ginawa ng YouTube Star na si Mimiyuuuh kay Vice President Leni Robredo.

Nalaman ng KAMI na sa mismong bahay pa ni Mimi ginanap ang naturang interview na ikinatuwa raw ng marami.

Walang keme si Mimi na kulitin si VP Leni habang ipinagluluto siya nito ng masarap na lugaw.

Mimiyuuuh, napaamin si VP Leni Robredo kung sino-sino ang mga gusto niyang artista
Sina VP Leni Robredo at Mimiyuuuh (Photo screengrab from Mimiyuuuh's Youtube channel)
Source: Facebook

Humingi rin si Mimi ng ilang payo sa bise presidente tungkol sa buhay-buhay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

VP Leni Robredo, napasabak sa isang makulit na TikTok video kasama si Mimiyuuuh

Ngunit ang isang nakakatuwang naitanong ni Mimi ay kung sino ang celebrity crush umano ng ikalawang pinakamataas na pinuno ng bansa.

"Sino po ang ultimate celebrity crush ninyo? Dali na VP tayo-tayo lang bulong mo sa'kin," tanong ni Mimi sa presidential candidate din sa Election 2022.

"Pinakagusto from before si Piolo," natatawang naisagot ng bise presidente.

Subalit ibinigay din niya ang mga pangalan ng mga female actress na kanya rin umanong nagustuhan dahil sa kabutihan ng puso ng mga ito.

"Lalo na sa mga babaeng artista, marami akong gusto lalo na 'pag ginintuan ang puso, like si Kathryn, si Jolina, si Bea," dagdag pa ni VP Leni.

Pabiro naman itong sinagot ni Mimi na hindi raw siya nabanggit sa mga 'magagandang' artistang nabanggit ni Vice President.

Narito ang kabuaan ng kanilang video mula sa YouTube channel ni Mimiyuuuh:

Si Mimiyuuuh ay isa sa mga kilalang YouTube content creator sa bansa na mayroon nang mahigit 4 million subscribers. Nakilala rin sila dahil sa viral na video niya ng "Dalagang Pilipina" gayundin ang TikTok video niya ng "It really hurts". Ngayon, isa na rin siyang endorser at host ng ilang events.

Read also

Maui Taylor sa nakasamang aktres na umano'y may attitude: "Winarla ko talaga siya"

Bukod sa masayang interview nito kay VP Leni sa kanyang YouTube channel, nagpaunlak din ang bise presidente na makasama ni Mimi sa isang masayang TikTok video. Maging ang anak ni VP Leni na si Aika ay naaliw sa video na iyon.

Marami ang humahanga rin kay Mimiyuuuh dahil sa pagmamalasakit na ipinararamdam nito sa kanyang pamilya. Katunayan, inaabangan din ng kanyang mga fans ang kanyang videos na kasama rin niya ang kanyang mga magulang at mga kapatid.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel