VP Leni Robredo, napasabak sa isang makulit na TikTok video kasama si Mimiyuuuh

VP Leni Robredo, napasabak sa isang makulit na TikTok video kasama si Mimiyuuuh

- Napasabak sa pagti-TikTok si Vice President Leni Robredo kasama ang YouTuber na si Mimiyuuuh

- Hindi nagpahuli ang bise presidente sa kakulitan ng vlogger na unang nakasama ng ni VP Leni sa TikTok

- Naibahagi pa ito ng anak ni VP Leni na si Aika Robredo na labis na natuwa sa naturang video

- Pinaunlakan din ni VP Leni si Mimiyuuuh na maging panauhin nito sa kanyang YouTube channel kung saan pinagluto pa niya ito ng lugaw

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Usap-usapan ngayon ang makulit na TikTok video ng YouTube Star na si Mimiyuuuh kasama si Vice President Leni Robredo.

Nalaman ng KAMI na bukod sa naging panauhin ni Mimiyuuuh si VP Leni sa kanyang YouTube channel kung saan ipinagluto siya nito ng lugaw, napa-payag din niya itong maki-TikTok sa kanya.

Read also

Aika Robredo sa video ni VP Leni at Mimi: "Matagal na kaming fans ni Mimiyuuuh, waaaaah!"

VP Leni Robredo, napasabak sa isang makulit na TikTok video kasama si Mimiyuuuh
Mimiyuuuh (@mimiyuuuh)
Source: Facebook

Naibahagi pa ito ng anak ni VP Leni na si Aika Robredo sa kanyang Twitter na halos hindi makapaniwalang nasa TikTok na rin ang kanyang ina.

Game na game si VP Leni na nakipagsabayan ng kakulitan kay Mimiyuuuh.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Maging ang mga netizens din ay natuwa sa naturang video. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Aliw toh! Ang kulit niyo rin po pala VP Leni"
"Omg! Mimiyuuuh iba ka ghorl... Napapayag mo si Vice President"
"Mukhang nag-enjoy din po si VP Leni. Mimiyuuuh lang sakalam"
"After ng kulitan sa YouTube channel nila, ito naman? Ang saya mo kayo na magkasama"

Si Mimiyuuuh ay isa sa mga kilalang YouTube content creator sa bansa na mayroon nang mahigit 4 million subscribers. Nakilala rin sila dahil sa viral na video niya ng "Dalagang Pilipina" gayundin ang TikTok video niya ng "It really hurts". Ngayon, isa na rin siyang endorser at host ng ilang events.

Read also

Mimiyuuuh,pinagluto si VP Leni Robredo ng kanyang essential lugaw

Ang pinakahuling content ng kanyang YouTube video ay nang maipagluto siya ng lugaw ni VP Leni Robredo. Nakipagkulitan din sa kanya ang bise presidente na bukod sa pinayuhan siya kung paano magka-jowa at napasabak din nito sa "pag- skrrrrt" na pinasikat ni Mimi.

Marami ang humahanga rin kay Mimiyuuuh dahil sa pagmamalasakit na ipinararamdam nito sa kanyang pamilya. Katunayan, inaabangan din ng kanyang mga fans ang kanyang videos na kasama rin niya ang kanyang mga magulang at mga kapatid.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel