Mimiyuuuh,pinagluto si VP Leni Robredo ng kanyang essential lugaw

Mimiyuuuh,pinagluto si VP Leni Robredo ng kanyang essential lugaw

- Sa bagong vlog ni Mimiyuuuh ay pinakita ni Vice President Lani Robredo ang kanyang pagluto ng sikat na sikat niyang lugaw

- Habang sinasagot niya ang ilang katanungan ni Mimiyuuuh ay pinapaliwanag niya rin ang kanyang ginagawa habang nagluluto

- Ang lugaw ay naging bansag kay VP Leni dahil isa ito sa madalas niyang ipamigay kahit sa mga taong sinasalanta ng kalamidad

- Inamin naman ni VP Leni na masaya siyang naimbitahan siya ni Mimi dahil pinapanood umano nila ng kanyang mga anak ang mga vlogs nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kanyang bagong vlog ay ibinahagi ni Mimiyuuuh ang kanyang pagtatanong kay Vice President Leni Robredo ng ilang mga katanungan. Habang nagtatanong siya ay nagluluto naman si VP Leni ng lugaw.

Mimiyuuuh,pinagluto si VP Leni Robredo ng kanyang essential lugaw
Mimiyuuuh (@mimiyuuuh)
Source: Instagram

Ang lugaw ay naging bansag kay VP Leni dahil isa ito sa madalas niyang ipamigay kahit sa mga taong sinasalanta ng kalamidad. Inamin naman ni VP Leni na masaya siyang naimbitahan siya ni Mimi dahil pinapanood umano nila ng kanyang mga anak ang mga vlogs nito.

Read also

Mimiyuuuh, humingi ng advise kay VP Leni Robredo kung paano magka-jowa

Naibahagi din ni VP Leni na mas naging abala siya sa kasalukuyan dahil bukod sa kanyang trabaho bilang Bise Presidente ay inihahanda niya na rin ang ilang mga kakailanganin niya para sa pangangampanya sa kanyang pagtakbo bilang pagulo ng Pilipinas sa darating na 2022 National elections.

Pagdating naman sa mga negatibong komento, noong una daw ay hindi na pinapansin ni VP ang mga ito lalo at alam niya umanong hindi naman totoo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Gayunpaman, napagtanto niya daw na kailangan ding sagutin ang mga ito para maitama ang mga maling sinasabi sa kanya dahil may mga taong naniniwala sa mga nababasa nilang impormasyon sa social media.

Panuorin ang kabuuan ng vlog ni Mimiyuuh dito:

Sumikat si Mimiyuuuh noong 2019 matapos mag viral sa social media ang kanyang "Dalagang Pilipina" video. Ito ang naging daan upang magkaroon siya ng mga endorsement at napabilang sa mga pinakasikat na social media influencers sa bansa.

Read also

EB Dabarkads, naluha habang ikinikwento ni Boobay ang kanyang pagsubok noong 2016

Kasabay ng kanyang pagsikat ay ang pagkakaroon niya ng maraming endorsements at projects. Sa katunayan, nag-record din siya ng waze directions na talaga namang naging patok sa mga netizens.

Dahil sa kanyang tagumpay ay nabili niya na rin ng bahay ang kanyang pamilya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel