Mimiyuuuh, humingi ng advise kay VP Leni Robredo kung paano magka-jowa

Mimiyuuuh, humingi ng advise kay VP Leni Robredo kung paano magka-jowa

- Isa sa inihingi ng payo ni Mimiyuuuh kay Vice President Leni Robredo ay kung paano umano siya magkaka-jowa lalo na ngayong panahon ng pandemya

- Payo naman ni VP Leni, kusa namang darating iyon at hindi dapat iyon hinahanap

- Aniya ang mga relasyong hinahanap ay yun ang kadalasang relasyong hindi nagtatagal

- Naibahagi niya ding 22 lamang siya nag-asawa at 21 taon siya nang unang nakilala ang yumaong asawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kanyang Q&A kay Vice President Leni Robredo, naitanong ni Mimiyuuuh kung ano ang maipapayo ni VP Leni para magka-jowa umano siya lalo na sa kasalukuyang panahon ng pandemya.

Mimiyuuuh, humingi ng advise kay VP Leni Robredo kung paano magka-jowa
Mimiyuuuh (@mimiyuuuh)
Source: Instagram

Payo naman ni VP Leni, kusa namang darating iyon at hindi dapat iyon hinahanap. Aniya ang mga relasyong hinahanap ay yun ang kadalasang relasyong hindi nagtatagal.

Naibahagi din ni VP Leni na maaga siyang nag-asawa. 22 lamang siya nang mag-asawa at una niya umanong nakilala ang yumaong asawa noong siya ay 21 taong gulang pa lamang.

Read also

Mimiyuuuh,pinagluto si VP Leni Robredo ng kanyang essential lugaw

Pabiro naman siyang tinanong ni Mimiyuuuh kung ano ang format ng dasal niya para magaya niya at makilala na rin niya ang taong para sa kanya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kwento pa ni VP, sabi daw ng kanyang ina naniniwala itong kaya naging successful ang marriages nilang magkakapatid ay dahil mula umano noong maliliit pa sila ay pinagdadasal na sila ng kanilang ina.

Naibahagi din niya na ang mga damit niya na nabili niya 10 years ago ay nagagamit pa rin niya. Hindi din siya gumagamit ng credit card pag bumibili siya ng damit at sapatos.

Mga bills lang daw ang ginagamitan niya ng credit card para mas ma kontrol niya ang kanyang paggastos. Para sa mga damit at sapatos, cash lamang ang kanyang ginagamit.

Sumikat si Mimiyuuuh noong 2019 matapos mag viral sa social media ang kanyang "Dalagang Pilipina" video. Ito ang naging daan upang magkaroon siya ng mga endorsement at napabilang sa mga pinakasikat na social media influencers sa bansa.

Read also

EB Dabarkads, naluha habang ikinikwento ni Boobay ang kanyang pagsubok noong 2016

Kasabay ng kanyang pagsikat ay ang pagkakaroon niya ng maraming endorsements at projects. Sa katunayan, nag-record din siya ng waze directions na talaga namang naging patok sa mga netizens.

Dahil sa kanyang tagumpay ay nabili niya na rin ng bahay ang kanyang pamilya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel