Aika Robredo sa video ni VP Leni at Mimi: "Matagal na kaming fans ni Mimiyuuuh, waaaaah!"

Aika Robredo sa video ni VP Leni at Mimi: "Matagal na kaming fans ni Mimiyuuuh, waaaaah!"

- Maging ang anak ni Vice President Leni Robredo na si Aika Robredo ay aliw na aliw kay Mimiyuuuh

- Katunayan, makailang beses siyang nag-share ng snippets mula sa vlog ni MimiYuuuh kasama si VP Leni

- Na-tweet din ni Aika na base sa video clip, minsan daw ang mood niya ay parang ang ina ngunit madalas na ang mood daw niya ay si Mimiyuuuh

- Naibahagi rin ni Aika sa kanyang Twitter ang makulit na TikTok video ni VP Leni at Mimiyuuuh

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Aliw na aliw si Aika Robredo sa collaboration ng kanyang ina na si Vice President Leni Robredo at si Mimiyuuuh.

Nalaman ng KAMI na aminado si Aika na fans daw sila ni Mimiyuuuh kaya naman ganoon na lamang ang saya nila nang makasama ito ni VP Leni.

Read also

VP Leni Robredo, napasabak sa isang makulit na TikTok video kasama si Mimiyuuuh

Aika Robredo sa video ni VP Leni at Mimi: "Matagal na kaming fans ni Mimiyuuuh, waaaaah!"
Mimiyuuuh (@mimiyuuuh)
Source: Facebook

Katunayan, makailang beses na naibahagi ni Aika ang mga snippets mula sa YouTube video ni Mimiyuuah at ang masayang kwentuhan nila ng kasalukuyang bise presidente ng bansa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"On some days, I am Leni. But most days, I am Mimiyuhhh. Depending on what day of the week it is," ang caption ni Aika sa video clip ni VP Leni habang ipinagluluto niya si Mimiyuuuh ng kanyang famous lugaw.

Maging ang TikTok video kung saan game na game pa rin na nakipagkulitan si VP Leni kay Mimiyuuuh ay naibahagi rin ni Aika.

Halos hindi ito makapaniwala na napasabak ang ina sa masayang TikTok video kasama ang kanyang kinagigiliwang content creator.

Si Mimiyuuuh ay isa sa mga kilalang YouTube content creator sa bansa na mayroon nang mahigit 4 million subscribers. Nakilala rin sila dahil sa viral na video niya ng "Dalagang Pilipina" gayundin ang TikTok video niya ng "It really hurts". Ngayon, isa na rin siyang endorser at host ng ilang events.

Read also

Mimiyuuuh, pinag-"skrrt" si Vice President Leni Robredo

Ang pinakahuling content ng kanyang YouTube video ay nang maipagluto siya ng lugaw ni VP Leni Robredo. Nakipagkulitan din sa kanya ang bise presidente na bukod sa pinayuhan siya kung paano magka-jowa at napasabak din nito sa "pag- skrrrrt" na pinasikat ni Mimi.

Marami ang humahanga rin kay Mimiyuuuh dahil sa pagmamalasakit na ipinararamdam nito sa kanyang pamilya. Katunayan, inaabangan din ng kanyang mga fans ang kanyang videos na kasama rin niya ang kanyang mga magulang at mga kapatid.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel