Ogie D, sa umano'y nasagap tungkol sa BeaDom: "Nagkikita raw ng palihim"

Ogie D, sa umano'y nasagap tungkol sa BeaDom: "Nagkikita raw ng palihim"

- Muling nagbahagi si Ogie Diaz ng kanya umanong nasagap tungkol kina Bea Alonzo at Dominic Roque

- Madalas umano siyang matanong tungkol sa dalawa subalit wala raw siyang kongkretong maisagot

- Gayunpaman, nakarating sa kanya na nagkikita raw ng palihim sina Bea at Dominic

- Tulad ng hiling ng marami, nais din ni Ogie na tuluyang nang magkaayos ang dalawa

Muling nakapagbahagi si Ogie Diaz ng umano'y nasagap niya tungkol kina Bea Alonzo at Dominic Roque.

Sa isang mga events na kanya umanong napupuntahan, madalas siyang matanong kung ano na ba ang lagay ng relasyon ng dalawa.

Ogie D, sa umano'y nasagap tungkol sa BeaDom: "Nagkikita raw ng palihim"
Dominic Roque and Bea Alonzo (@dominicroque)
Source: Instagram

"Sa totoo lang, wala akong kongkretong maisagot sa kanila. Kasi hindi ko alam," bungad ni Ogie.

Gayunpaman, naikwento pa rin niya ang nakarating umano sa kanilang impormasyon tungkol sa sinasabing pagkikita nina Bea at Dominic.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Read also

Ogie Diaz, may mensahe sa mga 'Gen Z' parents: "Wag OA!"

"Syempre nakarating lang sa atin na nagkasundo na sila, okay na sila, nagkaayos na. Nagkikita raw ng palihim. 'yun lang naman ang nakakarating sa akin," giit nito.

Nasabi rin ni Ogie na sakaling totoo ang mga espekulasyon tungkol kina Bea Dominic, tila minabuti ng dalawa na huwag na muna itong isapubliko kaagad.

"Baka kasi ayaw na nilang magulo pa ng ibang tao yung kanilang relasyon."

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Ogie Diaz Showbiz Update YouTube.

Si Dominic Roque ay kilalang aktor, model at negosyante sa Pilipinas. Lumabas na siya sa ilang programa sa telebisyon at maging sa pelikula. Matatandaang nagpaunlak pa sila ni Bea Alonzo ng panayam sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho.

Matatandaang minsang naibahagi ni Ogie Diaz ang nakarating umano sa kanya mula sa isang source na nagtutungo na si Dominic sa bahay ni Bea Alonzo. Nabanggit din niya ang una nang naibalita ng showbiz reporter na si Jobert Sucaldito tungkol umano sa interview kay Dominic na tila narinig 'di umano ang boses ni Bea Alonzo na animo'y kasama nito.

Read also

Ogie, sa inakalang mensahe ni Dominic kay Bea sa billboard: "Ako naniniwala na isang ad ito"

Pebrero 11 nang naglabas ng pahayag sina Bea Alonzo at Dominic Roque ukol sa kinahinatnan ng kanilang engagement. Ayon sa dalawa, nalulungkot silang ibang tao pa umano ang nagkumpirma ng kanilang hiwalayan nang wala nilang pahintulot. Nakiusap din silang huwag nang maglabas ng kung ano-anong kwento tungkol sa kinahinatnan ng kanilang relasyon na wala naman umanong basehan at walang katotohanan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel