Ogie, sa inakalang mensahe ni Dominic kay Bea sa billboard: "Ako naniniwala na isang ad ito"

Ogie, sa inakalang mensahe ni Dominic kay Bea sa billboard: "Ako naniniwala na isang ad ito"

- Nagbigay komento si Ogie Diaz sa viral na billboard kamakailan

- Inakala kasi ng marami na ang mensaheng nasa billboard ay mula kay Dominic Roque patungkol kay Bea Alonzo

- Habang ang iba naman ay nagsasabing mensahe ito ni Daniel para a ex-girlfriend na si Kathryn Bernardo

- Matatandaang hindi ito ang unang pagkakataon na gumawa ng ingay ang isang mensahe sa billboard

Natalakay nina Ogie Diaz sa kanyang Showbiz Update channel ang nag-viral kamakailan na mensahe sa isang malaking billboard.

Ogie, sa inakalang mensahe ni Dominic kay Bea sa billboard: "Ako naniniwala na isang ad ito"
Ogie Diaz Facebook
Source: Facebook

Makikita roon ang mensaheng "'Wag na tayong mag-break Love, D" na gumawa ng ingay online.

Ito ay dahil sa espekulasyon ng marami na maaring ito ay mula umano kay Daniel Padilla patungkol sa kanyang ex-girlfriend na si Kathryn Bernardo.

Subalit mas nangibabaw ang haka-hakang maari raw pagawa ito ni Dominic Roque para kay Bea Alonzo.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Read also

Ogie, sa nasagap na 2022 pa umano sina Xian at Iris: "Baka magkaibigan lamang sila noon"

"Ang sinasabi nila, baka daw 'yun ay message ni Dominic Roque kay Bea Alonzo. Meron naman na, baka hindi, baka 'yan ay message ni Daniel Padilla kay Kathryn Bernardo. E split na nga ito"
"So Dominic at si Bea ay wala pang kumpirmasyon. Wala pa silang official statement. Dahil ang kanilang statement ay ang parang naudlot lang o na-cancel lang ay yung kanilang engagement. So ang ipinapalagay nila, ay si Dominic."

Gayunpaman, naniniwala si Ogie na isa lamang itong advertisement gayung hindi ito ang unang pagkakataong may gumawa nito at tila naging epektibo dahil talagang napag-usapan.

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag:

Si Dominic Roque ay kilalang aktor, model at negosyante sa Pilipinas. Lumabas na siya sa ilang programa sa telebisyon at maging sa pelikula. Matatandaang nagpaunlak pa sila ni Bea Alonzo ng panayam sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho.

Naging kontrobersyal ang opening ng February 6 episode ng programang "Fast Talk with Boy Abunda". Ito ay matapos na maibahagi ni Boy ang umano'y hiwalayan nina Bea at Dominic. Matatandaang si Ogie Diaz ang unang nakapagbahagi ng nasabing ulat na sinegundahan naman ni Boy Abunda.

Read also

Gabby Eigenmann: "May sinabi si Andi na 'Uwi na tayo Nanay'"

Kung tama umano ang kanyang source, isinauli na raw ni Bea ang engagement ring nila ni Dominic. Hulyo ng nakaraang taong nang maganap ang proposal ni Dominic kay Bea. At inasahan na ng publiko na magaganap ang kasal.

Ilang araw matapos ito, Pebrero 11, naglabas ng pahayag sina Bea Alonzo at Dominic Roque ukol sa kinahinatnan ng kanilang engagement. Ayon sa dalawa, nalulungkot silang ibang tao pa umano ang nagkumpirma ng kanilang hiwalayan nang wala nilang pahintulot. Nakiusap din silang huwag nang maglabas ng kung ano-anong kwento tungkol sa kinahinatnan ng kanilang relasyon na wala naman umanong basehan at walang katotohanan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel