Ogie, sa nasagap na 2022 pa umano sina Xian at Iris: "Baka magkaibigan lamang sila noon"

Ogie, sa nasagap na 2022 pa umano sina Xian at Iris: "Baka magkaibigan lamang sila noon"

- Ibinahagi ni Ogie Diaz ang umano'y nasagap niya sa isang mula sa Viva

- Sinasabing 2022 pa umano sina Xian Lim at Iris Lee na noo'y nagkasama sa produksyon ng pelikulang Hello Universe

- Ani Ogie, baka naman magkaibigan pa lamang ang dalawa nang mga panahong iyon

- Gayunpaman, tanging sina Xian at Iris lamang ang makakapagkumpirma ng katotohanan sa espekulasyon ukol sa kanila umanong relasyon

Sa bagong episode ng Ogie Diaz Showbiz Update, ibinahagi ni Ogie Diaz ang kanya umanong nasagap patungkol sa usap-usapang relasyon 'di umano nina Xian Lim at Iris Lee.

Ogie, sa nasagap na 2022 pa umano sina Xian at Iris: "Baka magkaibigan lamang sila noon"
Xian Lim (@xianlimm)
Source: Instagram

Ayon kay Ogie, isang taga Viva umano ang source niyang nagsabing 2022 pa raw nagsimula ang dalawa.

"May namang nakapag-chika sa akin from VIVA, ewan ko naman kung true, mas maganda kung sa kanila natin marinig."
"Pero syempre, ichi-chika na rin natin sa kanila na noong 2022 pa pala raw nagsimula 'yung Iris at si Xian Lim. 2022. So, 'di natin alam kung sila na ba? or magkaibigan lamang, or nasa getting to know each other stage lamang sila, or alam mo na something is happening na ganu'n. 'Di natin alam no?"

Read also

Gary V, sa kanyang 'One Last Time' concert: "Hindi pa ako magre-retire"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Sabi e 'yung Hello Universe, na dinirek ni Xian Lim ay nandun na siya, mga July 2022"

Gayunpaman, sinabi ni Ogie na maaring magkatrabaho pa lamang ang dalawa noon sa nasabing proyekto.

"Baka magkaibigan lamang sila noon... Magkatrabaho. Pero ang makakasagot niyan ay si Iris mismo at si Xian Lim. Ano ba ang totoo sa petsa? Kasi kahit naman ako, tataas naman ang kilay ko dahil isang side lang 'tong narinig natin. Dapat marinig din natin 'tong side ng kabila."

Paalala rin ni Ogie na tanging sina Iris at Xian ang nakakaalam ng katotohanan ukol dito at sa ngayon, na kumpirmado nang hiwalay sina Xian at Kim, hindi malayong tuluyan nang umusbong ang pagkakamabutihan ng dalawa.

"Past is past at naka-move on naman na pareho ang magkabilang panig. So kung si Xian Lim at si Iris Less na ang playing sweet music together ika nga e, ibigay natin kaligayahan nila 'yun 'di ba?"

Read also

Ogie D, sa nasagap umano sa hiwalayan ng KimXi: "Nagstart 'yan sa steak"

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag:

Si Alexander Xian Lim o mas kilala bilang si Xian Lim ay isang Filipino actor, model, singer, host, vlogger, filmmaker at professional basketball player. Kasalukuyan siyang nasa ilalim ng pangangalaga ng GMA.

Bago matapos ang taong 2023, gumulantang sa publiko ang isa pa muling hiwalayan at ito ay ang real-life couple na sina Kim Chiu at Xian Lim. Naging maugong ang pagtatapos ng kanilang relasyon na naunang napansin ng publiko dahil na rin sa mga sagot ni Kim tuwing natatanong nito tungkol kay Xian.

Isa na rito ang aktres na si Maricel Soriano kung saan hayagang nausisa noon si Kim kung kumusta na nga ba ang estado ng relasyon nito sa kanyang nobyo. Hindi pa noon nakukumpirma ng 'KimXi' ang kanilang hiwalayan kaya naman ang sagot ni Kim sa Diamond Star 'naka-hang' daw ang kanyang love life sa panahong iyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel