Janno Gibbs, naikwentong nakapagpaalam pa noon sa ama: "I know, he was breathing pa e"

Janno Gibbs, naikwentong nakapagpaalam pa noon sa ama: "I know, he was breathing pa e"

- Sa panayam sa kanya ni Boy Abunda, muling naikwento ni Janno Gibbs ang mga huling sandali ng amang si Ronaldo Valdez

- Aniya, nakapagsabi pa siya ng kanyang pamamaalam rito

- Alam niya umanong naririnig siya ng ama na noo'y humihinga pa

- Disyembre 17 ng nakaraang taon nang gumulantang sa publiko ang pagpanaw ng batikang aktor na si Ronaldo Valdez

Emosyonal na naikwento ni Janno Gibbs ang mga huling sandali ng pumanaw na amang si Ronaldo Valdez.

Janno Gibbs, naikwentong nakapagpaalam pa noon sa ama: "I know, he was breathing pa e"
Janno Gibbs, naikwentong nakapagpaalam pa noon sa ama: "I know, he was breathing pa e" (@jannolategibbs)
Source: Instagram

Isa ito sa natanong sa kanya ni Boy Abunda sa programa nitong Fast Talk.

Ayon kay Janno, nakapagpaalam pa siya sa amang si Ronaldo na noo'y naabutan niyang humihinga pa.

"I was there in his horrible state. I got to say my goodbyes. I was talking to him. Of course he wasn't answering anymore. I got to kiss him and say I love you, thank you," naluluhang naikwento ni Janno.

Read also

McCoy De Leon, nag-post ng video ni Elisse: "Yung inaway ka niya tapos ikaw pa magso-sorry"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"I know, he was breathing pa e. Alam kong naririnig," dagdag pa niya.

Inalala rin niya ang papuring nasabi sa kanya ng ama nang mabigyan pa siya ng pagkakataong maging direktor nito sa pelikula nilang 'Itutumba ka ng tatay ko.'

Isa ito sa mga huling naging proyekto ni Ronaldo bago ito pumanaw noong Disyembre 17.

Samantala, narito ang kabuuan ng talakayan nina Boy Abunda at Janno Gibbs mula sa GMA Network YouTube:

Si Ronald James Dulaca Gibbs o kilala sa kanyang screen name na Ronaldo Valdez ay isang batikang aktor sa pelikula at telebisyon. Siya ang ama ng actor-comedian, TV host at singer na si Janno Gibbs.

Isa sa pinakahuling naging proyekto ni Ronaldo bago siya pumanaw ay ang '2 Good 2 Be True' ng tambalang KathNiel nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Nakilala siya sa naturang serye bilang si 'Lolo Sir' na talagang tumatak di lamang sa Kathniel Fans kung maging sa mga sumubaybay ng serye at sa mga kapwa aktor na nakasama niya roon.

Read also

Francine Diaz at Clem Castro ng Orange and Lemons, nagkaharap at umano'y nagkaayos na

Agad ding nabalikan ng netizens ang birthday post ng anak ni Ronaldo na si Janno Gibbs kung saan nabanggit nito ang kanilang pelikula na naipalabas pa noong Enero. Ayon pa sa post ni Janno, huling kaarawan na pala ng kanyang ama noong Nobyembre, masaya siyang naging direktor ng kanyang ama. Makikitang nagkomento pa roon si Ronaldo at sinabing proud siya kay Janno.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel