McCoy De Leon, nag-post ng video ni Elisse: "Yung inaway ka niya tapos ikaw pa magso-sorry"

McCoy De Leon, nag-post ng video ni Elisse: "Yung inaway ka niya tapos ikaw pa magso-sorry"

- Ibinahagi ni McCoy de Leon sa TikTok ang video ng kanyang partner na si Elisse Joson

- Makikita sa video na kumakain ito per hindi nakatingin sa camera at tila hindi alam na kinukuhanan siya ng video ni McCoy

- Sa naturang video ay nilagay ni McCoy na inaway daw siya ni Elisse pero si McCoy pa rin ang nag-sorry at nagpakain

- Umani ng samu't-saring reaksiyon at komento ang post na ito ni McCoy sa kanyang TikTok account

Ibinahagi ni McCoy de Leon sa kanyang TikTok account ang isang video ng kanyang partner na si Elisse Joson habang kumakain ito.

McCoy De Leon, nag-post ng video ni Elisse: "Yung inaway ka niya tapos ikaw pa magso-sorry"
McCoy De Leon, nag-post ng video ni Elisse: "Yung inaway ka niya tapos ikaw pa magso-sorry"
Source: Instagram

Sa nasabing video, makikita si Elisse na kumakain ngunit hindi ito nakatingin sa camera at tila hindi rin alam na kinukuhanan siya ng video ni McCoy. Sa paglalarawan ni McCoy sa video, ibinahagi niya na inaway daw siya ni Elisse, ngunit sa kabila nito, si McCoy pa rin ddaw ang nagpakumbaba at nag-sorry at nagpakain sa kanya.

Read also

Angeline Quinto, nag-viral ang bagong video sa social media

Ang naturang post ay agad na umani ng samu't-saring reaksiyon at komento mula sa mga tagasubaybay ni McCoy sa kanyang TikTok account. Marami ang natuwa at humanga sa kanilang magandang samahan, habang iba naman ay naaliw sa katuwaan at pagmamahalan ng dalawa.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si McCoy de Leon ay unang nakilala bilang miyembro ng grupong Hashtags ng noontime show na "It's Showtime". Naging bahagi din siya ng isang edisyon ng "Pinoy Big Brother" na naging daan para mas makilala siya at maipareha sa aktres na si Elisse Joson.

Matatandaang pinasalamatan ni McCoy si Elisse sa sorpresa nito sa kanya para sa kanyang kaarawan. Kalakip ng kanyang mga ibinahaging mga litrato ay ang kanyang mensahe para sa ina ng kanyang anak na si Felize. Sa kanyang mga binahaging pictures ay makikita ang kanilang naging pagdiriwang kasama ang iba pa niyang kapamilya at kaanak. Naroroon din ang kanyang mag-inang sina Elisse at Felize na kadalasang laman ng social media post ng aktor.

Matapos maging usap-usapan ang cryptic post ni Elisse kaugnay sa aniya'y paghihirap nila ng kanyang anak, nagbahagi din ng mensahe si Mccoy de Leon. Aniya, maya't-maya niya tinitingnan kung maayos ang kalagayan ng kanyang mag-ina. Kagaya ni Elisse, aniya ay wala na din siyang maayos na tulog ngunit aniya sana ay huwag silang sumuko. Dagdag pa ni McCoy, gagawin niya ang lahat para lang masigurong mapasaya at maprotektahan niya ang kanyang mag-ina.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel