Source ni Ogie D sa hiwalayang KimXi: "Wala naman daw third party"

Source ni Ogie D sa hiwalayang KimXi: "Wala naman daw third party"

- Isa umanong common friend nina Ogie Diaz, Kim Chiu at Xian Lim ang nagsabing hiwalay na 'di umano ang KimXi

- Ayon sa source, wala raw third party sa naturang hiwalayan

- Nasa dalawang buwan na umano buhat nang tapusin ng KimXi ang kanilang 12 taong relasyon

- Gayunpaman, sinabi rin ni Ogie na mas mainam na mismong kina Kim at Xian manggaling ang kumpirmasyon nang matunog na hiwalayan ng dalawa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kaibigan umano nina Ogie Diaz, Kim Chiu at Xian Lim ang nagsabing totoo ang hiwalayan ng 'KimXi.'

Source ni Ogie D sa hiwalayang KimXi: "Wala naman daw third party"
Source ni Ogie D sa hiwalayang KimXi: "Wala naman daw third party" (@xianlimm)
Source: Instagram

Sa bagong episode ng Ogie Diaz Showbiz Update, isa umano ito sa natalakay nina Ogie D, Mama Loi at Tita Jegs.

Ayon kay Ogie, sinabi ng source na hindi lamang agad na maamin ito ni Kim dahil pinoproseso pa nito ang mga pangyayari.

Read also

Miles Ocampo, pinagpawisan matapos kantiyawan ng kasamahan sa usaping pakikipagbalikan

"A friend of mine, and a friend of Xian and Kim Chiu told me na totoong hiwalay na si Kim Chiu at si Xian Lim."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Di lang maamin ni Kim Chiu kasi nga pinoproseso pa ni Kim Chiu. At si Xian Lim din hindi mo maasahan syempre na magkomento or magbigay ng statement tungkol dito."

Nasa dalawang buwan na umanong hiwalay ang dalawa na tumagal din ng 12 taon ang kanilang naging relasyon.

Gayunpaman, sinabi ng kanilang kaibigan na umanong third party sa naturang hiwalayan.

"Sabi ng friend ko, wala naman daw 3rd party. It's just that parang walang mga plano si Xian sa kanilang 12 years na relationship. Parang hindi niya priority. Parang naghihintay lang si Kim Chiu ng proposal dahil 12 years na sila e."

Read also

Ogie D, nalaman sa source ang umano'y hiwalayang KimXi: "Siguro mga 2 months na"

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag mula sa Ogie Diaz Showbiz Update YouTube channel:

Si Kim Chiu ay unang nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang tanghalin bilang big winner sa kauna-unahang Pinoy Big Brother: Teen Edition. Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, nagkaroon din siya ng maraming proyekto dahil sa husay niya sa hosting at pagsayaw. Nagkaroon din siya ng mga kanta kagaya ng MR. Right at Peng Yu.

Sa isang post ni Kim, binahagi niya ang saloobin na nakabalik na siya sa pagtatrabaho matapos ang mahigit isang linggo. Sa kanyang pagbabalik-trabaho, aniya ay mas naging makahulugan sa kanya ang linyang “Umulan man o Umaraw. Kahit ang dulo ay di matanaw." Bahagi ito ng lyrics sa opening song ng noontime show na "It's Showtime."

Naging matunog din kamakailan ang hiwalayan nina Kim at Xian Lim. Halos kasabayan ito ng kontrobersyal na paghihiwalay ng Kathniel. Gayunpaman, wala paring kumpirmasyon mismo mula kina Kim at Xian tungkol dito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel