Jinkee Pacquiao, suportado umano si Manny sa pagkilala kay Emman

Jinkee Pacquiao, suportado umano si Manny sa pagkilala kay Emman

- Naikwento ni Ogie Diaz na suportado umano ni Jinkee Pacquiao ang isa pang anak ni Manny na si Emman

- Kamakailan, lumabas ang ilang mga larawan ni Manny kasama si Emman na tini-train pa umano nito sa boxing

- Malinaw na alam ito ni Jinkee na kinumpirma naman ni Ogie Diaz sa isang common friend nila

- Sinasabing si Emmanuel Pacquiao Jr. ay anak ni Senator Manny Pacquiao kay Joanna Bacosa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa natalakay nina Ogie Diaz sa kanyang Showbiz Update channel ay ang umano'y love child ni Senator Manny Pacquiao kay Joanna Bacosa na si Emmanuel "Emman" Pacquiao Jr.

Jinkee Pacquiao, suportado umano si Manny sa pagkilala kay Emman
Manny and Jinkee Pacquiao
Source: Facebook

Matatandaang kamakailan ay lumabas ang mga larawan ni Senator Manny na kasama si Emman. Makikita rin sa mga larawan na tila susunod si Emman sa yapak ng ama pagdating sa boxing.

Read also

Ogie D sa viral serenade ni Carlo Aquino sa Miss Bacolod: "Marunong kumanta si Carlo ah"

Si Senator Manny rin mismo ang nagti-train kay Emman base na rin sa mga larawan.

Kaya naman ang karaniwang tanong umano ng publiko ay kung ano ang reaksyon ni Jinkee ukol dito.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"According to my source na kaibigan ni Jinkee, 'yung friend namin ni Jinkee, sinabi daw ni Jinkee kay Manny Pacquiao na go ahead, suportahan mo 'yan kasi anak mo 'yan," ani Ogie Diaz.

"Kasi may picture si Emman at si Manny Pacquiao na magkasama. Kasi kung itinatago naman ni Manny yun, hindi siya magpapa-picture. At hindi siya makikipagkita siguro. At hindi niya dadalawin yung anak niya na nag-eensayo ng boxing."

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag:

Si Jinkee Paquiao ang misis ng tinaguriang isa sa mga greatest professional boxers of all time na si Senator Manny Pacquiao.

Read also

Ricci Rivero kay Bea Borres: "Sayang pakikialam mo kung di ka kasama sa headline"

Kamakailan, naikwento ni Cristy Fermin na mayroon umanong Php200,000 si Jinkee Pacquiao, araw-araw lalo na kung lalabas ito ng bahay. Bukod pa raw umano ito sa check book na dala-dala nito lagi saanman siyang magpunta. Gayundin ang milyong halaga ng OOTD nito na madalas umanong makita sa kanyang mga Instagram post.

Sa kanya ring Showbiz Now Na! channel, naikwento ni Cristy na napuna ng publiko kamakailan si Jinkee sa gitna ng kontrobersiyang kinasangkutan umano ni Senator Manny kung saan pinagbabayad ito ng may katumbas na Php280 million ng Paradigm Sports.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel