Cristy, sinabing laging may dalang Php200,000 si Jinkee Pacquiao: "Everyday 'yun"

Cristy, sinabing laging may dalang Php200,000 si Jinkee Pacquiao: "Everyday 'yun"

- Nabanggit ni Cristy Fermin na lagi umanong may Php200,000 si Jinkee Pcquiao tuwing lumalabas ito

- Bukod pa raw umano ito sa check book na dala-dala ni Jinkee sa tuwing siya ay aalis

- Ayon kay Cristy, mismong si Jinkee ang nagkikwento ng mga bagay na ito

- Napag-usapan nila ito kaugnay sa kasong hindi naipanalo ng dating senator Manny Pacquiao na umano'y kayang-kaya namang bayaran ang hinihingi ng kabilang kampo

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naikwento ni Cristy Fermin na mayroon umanong Php200,000 si Jinkee Pacquiao, araw-araw lalo na kung lalabas ito ng bahay

Cristy, sinabing laging may Php200,000 si Jinkee Pacquiao: "Everyday 'yun"
Jinkee Pacquiao
Source: Instagram

Bukod pa raw umano ito sa check book na dala-dala nito lagi saanman siyang magpunta.

"SOP 'yun. 'Pag lumabas siya ng bahay may 200,000 talaga sa bag niya. Siya mismo ang nagsabi. Bukod pa sa pagdadala niya ng cheque book," ani Cristy.

Read also

Cristy sa isyu ng inirereklamong kasa-kasama ni Alden: "Magpaliwanag ka na sana"

Gayundin umano ang OOTD ni Jinkee na ang presyo ay umaabot sa milyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Napag-usapan ito nina Cristy, Romel Chika at Wendell Alvarez dahil sa natalakay nila ang umanoy kasong 'di naipanalo ng mga dating senador Manny Pacquiao

Dahil dito, pinagbabayad umano si Senator Manny ng 5.5 million dollars kasama na rin dito ang danyos sa

Ayon kina Cristy, kayang-kaya naman itong bayaran ni Senator Manny. Gayunpaman, hindi raw dapat na maisali pa ni Jinkee sa gusot ng kanyang mister.

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Youtube channel na Showbiz Now Na!:

Si Cristy Fermin isa sa mga respetadong showbiz reporter sa Pilipinas. Sa loob ng ilang dekada, pinangunahan niya ang iba't ibang mga talk shows kung saan masasagap ang mga kaganapan sa industriya ng showbiz.

Read also

Ogie Diaz, nakuha ang panig ni Teacher Georcelle bakit wala ang G-Force sa concert ni Sarah G

Patuloy ang pagbabahagi niya ng mga pinakabagong balita at isyu sa entertainment scene sa loob at labas ng bansa sa pamamgitan ng kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Romel Chika at Wendell Alvarez. Umabot na sa 330,000 ang kanilang mga subscribers.

Sa naturang episode din ng Showbiz Now Na, natalakay nila ang taong nilarawan nilang nakapagbibigay umano ng hindi magandang impresyon sa aktor na si Alden Richards. Nanghihinayang umano sila dahil ang maayos at magandang pangalan ni Alden ay nadudungisan dahil umano sa inaasal ng taong ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel