Cristy Fermin kay Alden Richards: "Marunong siyang rumespeto lalo na sa mga press people"

Cristy Fermin kay Alden Richards: "Marunong siyang rumespeto lalo na sa mga press people"

- Napuri ni Cristy Fermin si Alden Richards sa pagiging marespeto nito lalo na sa mga press people

- Taliwas ito sa mga kumakalat na balitang may mga humahawi sa mga nais mag-interview pa kay Alden

- Inalala rin ni Cristy ang pagkakataong sila mismo ang nakarinig kung paano pagbigyan ni Alden ang mga taong nais pa siyang ma-interview o makipag-picture

- Kaugnay nito, nagpaalala rin si Cristy sa mga artista na kakambal umano kanilang pagsikat ang mga press people na nagsusulat o nag-uula tukol sa kanila

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa kabila ng mga hindi kagandahang naibabalita ngayon kay Alden Richards, napuri pa rin siya nina Romel Chika, Wendell Alvarez at Cristy Fermin Sa Showbiz Now Na!

Cristy Fermin kay Alden Richards: "Marunong siyang rumespeto lalo na sa mga press people"
Alden Richards (@aldenrichards02)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na ito ay tungkol umano sa isang insidente na naghintay 'di umano ang press people kay Alden at sa kasamaang palad ay nahawi pa umano ang ilan hindi nabigyang pagkakataon na makapanayam si Alden.

Read also

Cristy kay Alden sa set ng Start Up: "Marami 'yung nagsasabi na nagpapahintay siya"

Tila hindi maniwala sina Cristy sa naturang insidente lalo na at mayroon din silang karanasan kung saan kahanga-hanga ang ipinakitang ugali at pagtrato ni Alden sa media.

"Anong sabi ni Alden, maya maya na po kasi hindi naman ako gabi-gabi na nandito. Pagbibigyan ko sila na makapagparitrato at makalapit sa akin. Kung hindi po namin narinig 'yun, baka nga po napasama na kami doon sa mga naniniwala na nagbgao na ngayon si Alden Richards"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Pero hindi po 'yan ang pagkakilala namin kay Alden. Mapagpakumbaba talaga siya. Marunong siyang rumespeto lalo na sa mga press people."

Kaugnay nito, nagbigay paalala si Cristy sa mga artista lalong-lalo na sa kung paano nila itrato ang mga nasa media na siyang malaki ang naitutulong sa kanila upang sila ay makilala.

"Kayong mga artista, kakambal ng inyong pagsikat ang mga manunulat. Kapiraso ng tulay na tinawiran niyo, pag-aari ng mga press people. Dahil paano kayong sisikat kung hindi kayo ipino-promote, hindi kayo isinusulat, paano kayo magkakaroon ng katuparan ng pangarap?"

Read also

Angeline Quinto, kinaaliwan sa kanyang "napadaan lang" moment sa ASAP stage

Narito ang kabuuan ng pahayag nina Cristy mula sa YouTube channel nila na Showbiz Now Na!:

Si Alden Richards ay isang aktor at TV host sa Pilipinas. Kamakailan ay maayos na itong bumalik sa Eat Bulaga matpos ang halos dalawang taon na wala sa sil asa telebisyon.

Samantala, sa ginagawa naman nitong pelikula, agad na napuri siya ng co-star na si Julia Montes.

Kahit dalawang araw pa lamang umano sila nagsu-shooting, nasabi nilang komportable na sila sa isa't isa.

"Parehong-pareho po kaming magtrabaho... sobrang hindi po high maintenance si Julia," saad ni Alden.

"Kaya pala talaga siya si Alden Richards. Bagay sa'yo yung dimples sa kabaitan mo," natatawang nasabi ni Julia na sinundan naman niya ng pagpuri sa aktor. "'Yung looks niya, obvious na kasi na mabait e. Pero napatunayan niyang totoong mabait siya," dagdag pa niya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel