Cristy, sinabing napupuna umano si Jinkee sa mga post nito sa gitna ng kaso kay Manny Pacquiao

Cristy, sinabing napupuna umano si Jinkee sa mga post nito sa gitna ng kaso kay Manny Pacquiao

- Natalakay nina Cristy Fermin ang umano'y komento ng netizens sa mga post ni Jinkee Pacquiao

- Ito ay dahil nagagawa ito ni Jinkee sa gitna ng kaso laban sa kanyang mister na si Manny Paquiao

- Marami ang nagkokomentong tila hindi nararapat o napapanahon ang mga post ni Jinkee lalo't malaki-laki ang babayaran ng kanang mister sa Paradigm Sports Sa Amerika

- Sinasabing sa Hunyo muli magkakaroon ng hearing ukol sa kasong ito at doon bibigyang pagkakataon si Manny upang depensahan ang sarili

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa mga natalakay ni Cristy Fermin sa pinakabagong episode ng Showbiz Now Na! ay ang tungkol sa patuloy na pag-post ni Jinkee Pacquio sa kanyang Instagram.

Cristy, sinabing napupuna umano si Jinkee sa mga post nito sa gitna ng kaso kay Manny Pacquiao
Jinkee Pacquiao (@jinkeepacquiao)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na napupuna umano ngayon si Jinkee dahil tila hindi umano napapanahon na gawin pa rin niya ito sa gitna ng kinakaharap na kaso ngayon ng kanyang mister na si dating senator Manny Pacquiao kung saan pinagbabayad siya ng may katumbas na Php280 million ng Paradigm Sports.

Read also

Cristy sa isyu ng inirereklamong kasa-kasama ni Alden: "Magpaliwanag ka na sana"

"May problema na nga si Senator Manny pacquiao, dahil sa demanda sa kanya sa Amerika. Siya, wala namang ginawa kundi mag-pose siya ng kung ano-ano," ani Romel Chika, isa sa mga oc-hosts ni Cristy sa Showbiz Now Na!

"Habang si Senator Manny Pacquiao ay humaharap sa isang asunto sa Amerika siyempre sa nagdemanda sa kanya paradign Sports management. Wala naman daw pong ginagawa si Jinkee kundi ang mag-post nang mag-post ng kanyang mga branded products. Mga stuff na kung tutuusin ay hindi na hinihingi ng panahon."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ang isa pa umanong pinagtatakhan ng publiko, sa bahay lang nagaganap ang pictorial at tila wala naman itong pupuntahan ngunit bihis na bihis ito na may kasama pa umanong bag at nakasuot ng sapatos.

"O baka ito'y psywar kumbaga. O sige, birahin niyo nang birahin yang asawa ko na ganito ang kailangan niyang ibalik sa paradigm. Eto kami maayos kami, Kahit anong mangyari may pera pa rin"

Read also

Ogie Diaz, nakuha ang panig ni Teacher Georcelle bakit wala ang G-Force sa concert ni Sarah G

Gayunpaman, marami ang nakaabang sa mangyayari sa Hunyo kung kailan magkakaroon muli ng pagdinig sa civil lawsuit ni Manny Pacquiao na isinampa sa kanya ng Paradigm Sports Management.

"Kasi sa June na po ang susunod na hearing Ito po ang pagkakataon ng MR ng dating senador At dito raw po nila ilalatag ang kanilang mga dahilan at katwiran kung bakit siya umalisa sa paradigm ng mga panahon na 'yun. Tingnan natin kung mababaliktad yung unang desisyon na inilabas ng mga jury," ani Cristy.

Samantala, narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Showbiz Now Na!:

Si Cristy Fermin isa sa mga respetadong showbiz reporter sa Pilipinas. Sa loob ng ilang dekada, pinangunahan niya ang iba't ibang mga talk shows kung saan masasagap ang mga kaganapan sa industriya ng showbiz.

Sa isang episode ng SNN, nabanggit ni Cristy ang umano'y dala ni Jinkee Pacquiao na Php200,000 tuwing lumalabas ito ng bahay kahit pa araw-araw.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel