Cristy, awang-awa sa mga umano'y namura ng male TV host: "Puro PI po"

Cristy, awang-awa sa mga umano'y namura ng male TV host: "Puro PI po"

- Minsan na umanong ibinahagi ni Cristy Fermin ang umano'y kontrobersyal na audio recording ng isang male TV host

- Dahil sa marami umano ang naintriga sa naturang recording, ipinakinig nila ito sa YouTube channel nila na Showbiz Now Na!

- Hindi man pinangalanan subalit masasabing malaking tao sa howbiz ang naturang personalidad na grabe ang umano'y panghahamak sa mga tauhan

- Nilinaw ni Cristy na hindi sila humahanap ng audio recording na ito at may nagbibigay na lamang nito sa kanila

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinag-usapan nina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez ang umano'y audio recording ng isang male TV personality na nagawang mura-murahin umano ang kanyang staff.

Cristy, sa umano'y audio ng male TV host: "Sa dami ng kanyang minura, 'di niya matutunton"
Romel Chika, Cristy Fermin at Wendell Alvarez (Showbiz Now Na!)
Source: Youtube

Nalaman ng KAMI na una na itong naikwento ni Cristy sa isa rin niyang programa na Cristy Ferminute ngunit maraming netizens ang naintriga at humiling na marinig ang aktwal na recording.

Read also

Cristy sa umano'y stand ni Sen. Robin sa bullying: "Nangangalit po ang panga ng mga magulang"

"Gusto po nilang masaksihan at marinig mismo 'yung audio ng isang male personality na habang nakikipag-usap po sa isang meeting sa kanyang production people ay talaga naman pong napakaraming pinakawalan na mga salita na kahit po gutom na aso ay hindi siguro matatanggap," ani Cristy.

Kanila itong ipinakinig ngunit iniba na ang pitch ng boses gayung pawang akusasyon pa lamang ang naturang audio.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nilinaw ni Cristy na hindi sila ang naghahanap ng mga kopya ng audio recording. Sinabi nilang kusa itong dumarating sa kanila at pinadadala ng mga umano'y nabiktima ng panghahamak ng male TV host.

"Kaya kong magkaroon ng show na wala kayo, ang taas ng ibinabayad sa inyo pero ito ang gagawin niyo, ang bob*b* niyo! Mga l*ch* kayo!" ang naibahagi ni Cristy na maririnig sa naturang recording.

Read also

Cristy Fermin, hindi na raw nagulat sa pag-amin nina AJ at Aljur

Sa dami umano ng mga nakapag-record ng pangangalit na ito ng personalidad, hindi raw nito madaling matutukoy sino ang nagpapakalat ng record na mas lalo umano nitong ikasisira.

"Huwag na siyang magturo. Sa dami ng kanyang minura. Sa dami ng minaliit niya ang pagkatao, hindi niya matutunton," ani Cristy na awang-awa sa mga kausap ng TV host na tila walang magawa kundi ang tanggapin na lamang ang mga sinasabi nito.

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa YouTube channel ng Showbiz Now Na!:

Patuloy na namamayagpag ang kilala at batikang Showbiz writer at reporter na si Cristy Fermin sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at isyu sa entertainment scene sa loob at labas ng bansa.

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Romel Chika at Wendell Alvarez na mayroon nang halos 300,000 subscribers.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel