Ogie Diaz, sinagot ang umano'y nabanggit ni Willie na iniiwan siya ng kanyang talents

Ogie Diaz, sinagot ang umano'y nabanggit ni Willie na iniiwan siya ng kanyang talents

- Sinagot ni Ogie Diaz ang tungkol sa nabanggit ni Willie Revillame na pag-iwan umano sa kanya ng kanyang mga talents

- Nilinaw niyang maayos silang naghihiwalay ng kanyang mga naging alaga

- Siniguro rin niyang maayos parin ang kanilang samahan at nanatili pa rin ang pagkakaibigan matapos ang pagigi nilang 'manager-talent'

- Ilan sa kanyang nabanggit ay sina Vice Ganda at si Liza Soberano na natapos na rin ang kontrata sa kanya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Tinalakay nina Ogie Diaz at kasama niya sa kanyang Showbiz Update Channel ang tungkol sa umano'y mga patutsada sa kanya ni Willie Revillame.

Ogie Diaz, sinagot ang umano'y nabanggit ni Willie na iniiwan siya ng kanyang talents
Ogie Diaz
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na isa na rito ang umano'y nabanggit ni Willie na pag-iwan daw ng talents ni Ogie sa kanya bilang kanilang manager.

Nilinaw ni Ogie na maayos ang kanilang paghihiwalay ng mga talents niya ay hindi talaga siya iniwan.

Read also

Cristy sa bagong tema ng vlog ni Alex: "Halatang-halata naman itong damage control na ito"

Ilan sa mga malalaking pangalan sa showbiz na nabanggit niya ay sina Vice Ganda at Liza Soberano.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Tapos sinasabi pa ni Willie na o 'yung mga talents mo bakit ka iniiwan? Hindi po ako iniiwan. Maayos po kaming naghiwalay Willie. Si Vice Ganda ay almost five years kami, At hanggang ngayon, magkaibigan kami ni Vice. Kasi pinili namin 'yung nauna naming relasyon na magkaibigan kami kesa maging manager-talent ang aming relasyon," paliwanag ni Ogie.

"Pangalawa, si Liza Soberano. Natapos na ang kontrata sa akin. 11 years lang naman kaming nagsama ni Liza bilang manager-talent. Ngayon kung tinatanong mo, bakit ako iniiwan. Hindi ako iniiwan, pareho po naming desisyon, mutual 'yung desisyon."

Dahil dito, naitanong din ni Ogie kay Willie kung bakit hindi raw tumatagal ang mga co-host nito sa programang Wowowin.

Read also

Ogie Diaz, pinasalamatan si Cristy Fermin sa gitna ng umano'y isyu kay Willie Revillame

"E kung ganun din naman ang usapan, tatanong ko na rin kay Willie, bakit hindi nagtatagal mga co-host mo? Hindi umaabot ng four and a half years? hindi umaabot ng eleven years."

"Mas matagal 'yung akin kesa sa'yo. E yung 'sa'yo 'di ba? yung mga co-host mong bading., 'yung mga standup comedians, bakit hindi nagtatagal?Sasabihin ni Willie, baka may deperensya siguro 'yung mga bakla," ani Ogie.

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Ogie Diaz Showbiz Update YouTube channel:

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa YouTube channel na "Ogie Diaz Inspires" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad sa bansa.

Sa painakabagong episode ng kanyang Showbiz Update channel, naglabas ng saloobin si Ogie tungkol sa mga kontrobersyal na naging pahayag ni Willie Revillame kamakailan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel