Xian Gaza, aminadong nagamit lang umano ang ex-girlfriend; "no choice ako"

Xian Gaza, aminadong nagamit lang umano ang ex-girlfriend; "no choice ako"

- Inamin ni Xian Gaza na nagamit lang umano niya ang ex-girlfriend noong panahong walang-wala pa siya

- Aniya, tipong pangkain niya araw-araw ay kanyang pinoproblema kaya naman ang dating kasintahan ang gumagastos para sa kanya

- Minahal naman niya ang babae at nagkataong kailangan rin niya ito sa mga panahong iyon

- Bukod dito, isa rin sa inamin ni Xian ay ang kanya umanong pang-iiscam sa ilang mga tao subalit pinabulaanan niya ang akusasyong isa umano siyang klepto

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Matapang na inamin ni Xian Gaza na nagamit lang umano niya ang kanyang ex-girlfriend noong panahong pati pangkain araw-araw ay kanya pa noong pinoproblema.

Xian Gaza, aminadong nagamit lang umano ang ex-girlfriend; "no choice ako" "
Xian Gaza (Christian Albert Gaza)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na sa panayam sa kanya ni Chino Liu o mas kilala bilang si Tita Krissy Achino, ang ex-girlfriend na ito ni Xian ang una nilang napag-usapan.

Ayon kay Xian, tumagal ang kanilang relasyon sa loob ng halos isang taon mula July 2018 hanggang June ng kasunod na taon.

Nagsimulang maungkat ang nakaraang ito ni Xian nang mag-react umano ang hindi niya pinangalanang ex sa post ng isang kilalang influencer sa bansa.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Doon lumabas ang mga akusasyon kay Xian kasama na ang pagiging klepto umano nito maliban sa pagiging isang scammer.

Inamin naman ni Xian ang pang-iiscam sa 27 katao ngunit mariin niyang pinabulaanan ang pagiging isang klepto o magnanakaw.

Subalit ang mas naikwento rin ni Xian ay ang buhay niya kasama ang nasabing ex-girlfriend.

"Sobrang nakakababa. Parang feeling ko tae ako pero no choice ako. Kapag dumating ka sa punto na kahit pagkain pinoproblema mo, 'yung pang araw-araw pinoproblema mo, Wala kang choice kailangan mong kumapit,” paliwanag ni Xian.

Natigil lamang umano ang kanilang relasyon nang matuklasan ni Xian ang hanapbuhay ng dating girlfriend. Ito rin ang dahilan kung bakit nagawa niya itong lokohin upang makawala sa naturang relasyon.

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya mula sa Tita Krissy Achino YouTube channel:

Si Xian Gaza o Christian Albert Gaza ay unang nakilala sa social media matapos ang kanyang kontrobersiyal na billboard proposal sa aktres na si Erich Gonzales para mag-coffee. Nakilala din siya sa bansag na "pambansang scammer" matapos siyang akusahan ng pang-iiscam. Gayunpaman, kapansin-pansing nakabangon na si Xian sa hindi magagandang sinapit na ito sa kanyang buhay. Katunayan, inspirasyon na ang hatid niya sa tagumpay na tinatamasa ngayon.

Kamakailan, muling gumawa ng ingay sa publiko si Xian sa umano'y naging komento niya sa kababaihan na agad umanong inalmahan ng isa ring influencer na si Donnalyn Bartolome. Minsan na rin siyang nakasama sa vlog ni Zeinab Harake, kung saan nakasama siya nitong mag-shopping sa Thailand.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel