Skusta Clee, pinayuhan si Wilbert Tolentino na kumalma matapos nitong mag-rant

Skusta Clee, pinayuhan si Wilbert Tolentino na kumalma matapos nitong mag-rant

- Kabilang si Skusta Clee sa mga nag-comment sa viral na post ni Wilbert Tolentino sa Facebook

- Kaugnay ito sa mga taong aniya'y magaling magpaikot ng tao sa social media at nagbabait-baitan sa harap ng camera

- Pinayuhan ni Skusta Clee si Wilbert na kumalma at sinagot naman siya ng talent manager

- Kabilang din si Angelica Jane Yap o mas kilala bilang si Pastillas Girl sa naghayag ng suporta sa talent manager

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagkomento si Skusta Clee sa post ni Wilbert Tolentino kaugnay sa taong aniya'y magaling magpaikot ng tao sa social media at nagbabait-baitan sa harap ng camera. Pinayuhan ni Skusta ang talent manager na kumalma lang.

Skusta Clee, pinayuhan si Wilbert Tolentino na kumalma matapos nitong mag-rant
Skusta Clee, pinayuhan si Wilbert Tolentino na kumalma matapos nitong mag-rant (@sirwil75)
Source: Instagram

Maiksi lamang ang komento ni Skusta Clee sa naturang post ni Wilbert kung saan pinakalma niya ito.

Kalma ma!

Sagot naman ni Wilbert ay kalma lang daw siya at nasorpresa umano siya sa komento ni Skusta na tinawag niyang pare. Muli ay nabanggit niya ang tungkol sa taong tinutukoy niya na aniya ay hindi marunong magpahalaga ng tao.

Read also

Skusta Clee, nag-post tungkol sa taong aniya'y di nagabayan ng magulang nang maayos

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kalma naman ako pare. Na surpresa ako sa comment mo. alam ni Papa Jesus ang kabutihan ng loob ng isang tao at sa mga indi marunong mag value ng tao at magaling mang ikot ng tao sa socmed at pa victim. marami lang bulag at marami indi nakaka alam behind the story kung ano meron pag naka harap ang Camera at ugaling meron pag wala ang Camera.
Skusta Clee, pinayuhan si Wilbert Tolentino na kumalma matapos nitong mag-rant
Skusta Clee, pinayuhan si Wilbert Tolentino na kumalma matapos nitong mag-rant (@www.facebook.com/sirwil75)
Source: Facebook

Si Wilbert Ting Tolentino ay isang Chinese-Filipino entrepreneur na nakilala nang tangahalin siyang Mr. Gay World Philippines in 2009. Naging manager din siya ng ilang sikat na social media personalities kagaya nina Madam Inutz at Herlene Budol.

Matatandaang diretsahang sinagot ni Wilbert ang isang blind item tungkol sa umano'y comedienne na nagbago ng image. Sa caption ng naturang blind item ay may tanong kung totoo bang uma-attitude na umano ang naturang comedienne na bibidahin. Nilinaw ng manager ni Herlene na noong nag-inquire sa kanya ay hindi pa nakapag sign ng contract sa Binibining Pilipinas si Herlene. Ginawa lamang umano niya ang kanyang obligasyon bilang manager at iyon ay ang protektahan ang hinahawakan niyang artist.

Read also

Zeinab Harake, niyaya ng inuman ang aniya'y mga may galit sa kanya

Kinalaunan ay nagsalita na rin si Herlene Budol kaugnay sa isyung lumaki na umano ang ulo niya at nagbago na ang ugali niya. Ito ay matapos umano ang tinatamo niyang kasikatan matapos niyang sumalang sa Binibining Pilipinas kung saan tinanghal siyang first runner up. Ani Herlene, sa kasalukuyan ay hindi na lang sa kanya nanggagaling ang desisyon at dapat niyang isa-alang-alang ang desisyon ng mga taong nag-aalaga sa kanya. Matatandaang nauna na ring inalmahan ng manager niyang si Wilbert Tolentino ang isang blind item na aniya ay alam niyang si Herlene ang tinutukoy.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel