Zeinab Harake, niyaya ng inuman ang aniya'y mga may galit sa kanya

Zeinab Harake, niyaya ng inuman ang aniya'y mga may galit sa kanya

- Binahagi ni Zeinab Harake ang isang post mula sa Bob Ong Quotes page na nagyaya ng inuman sa mga taong galit sa kanya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Kalakip nito ay nilagay ni Zeinab ang caption na "Sakto uhaw ako, ano arat?"

- Ito ay matapos siyang i-tag at banggitn ng mga netizens sa post ng talent manager at kapwa niya content creator na si Wilbert Tolentino

- Matatandaang dating nagkasama sa mga vlog sina Zeinab at Sir Wil noong nagsisimula pa lamang gumawa ng content ang talent manager

Binahagi ni Zeinab Harake ang isang post mula sa Bob Ong Quotes page na nagyaya ng inuman sa mga taong may galit sa kanya. Ito ay sa gitna ng patuloy na pagbabanggit ng netizens sa pangalan niya sa comment section ng post ni Wilbert Tolentino.

Read also

Skusta Clee, pinayuhan si Wilbert Tolentino na kumalma matapos nitong mag-rant

Zeinab Harake, niyaya ng inuman ang aniya'y mga may galit sa kanya
Zeinab Harake, niyaya ng inuman ang aniya'y mga may galit sa kanya (@zeinab_harake)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Kalakip nito ay nilagay ni Zeinab ang caption na "Sakto uhaw ako, ano arat?"

May mga netizens na nakapansin sa pagkakapareho halos ng naging post nila ni Wilbert.

Matatandaang dating nagkasama sa mga vlog sina Zeinab at Sir Wil noong nagsisimula pa lamang gumawa ng content ang talent manager.

Si Zeinab Harake ay isang kilalang social media influencer at sikat na YouTube content creator na mayroong milyon-milyong subscribers. Naging kontrobersiyal ang relasyon nila ni Skusta Clee nang una silang maghiwalay kung saan ibinunyag ni Zeinab ang ilang bagay tungkol kay Skusta.

Marami sa mga netizens ang bumati kay Zeinab noong Father's Day at binahagi niya ito sa kanyang IG stories. Marami sa mga ito ang pagbati sa kanyang pagtayo bilang ama sa anak niyang sina Lucas at Zebbiana. Matatandaang simula nang isapubliko ni Zeinab ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Skusta Clee ay bumuhos ang suporta sa kanya hindi lamang mula sa mga netizens kundi maging mula sa mga kapwa niya social media influencer at content creator. Kasalukuyang nasa pangangalaga niya ang anak na si Bia at ang adopted son na si Lucas.

Read also

Wilbert Tolentino, may kilala umanong taong magaling magpavictim

Nitong Father's Day ay sinabi ni Zeinab na saludo siya sa mga kapwa niya nanay na aniya ay nagpapaka-tatay sa kanilang mga anak. Kaya naman, isang pagbati ang binahagi ni Zeinab sa mga kagaya niyang single mom sa pamamagitan ng isang tweet. Bumuhos naman ang pagbati sa kanya mula sa kanyang mga followers na sumuporta sa kanya lalo na nang isapubliko niya ang paghihiwalay nila ni Skusta Clee.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel