Xian Lim umamin sa kasalukuyang relasyon: "Yes, I’m seeing Iris"

Xian Lim umamin sa kasalukuyang relasyon: "Yes, I’m seeing Iris"

-Sa isang panayam, inamin ni Xian Lim ang kanyang kasalukuyang relasyon kay Iris Lee, isang Filipino-Chinese senior associate producer

- Binigyang-diin ni Lim na walang third party na sangkot nang maghiwalay sila ni Kim

- Aniya, nagsimula lamang silang mag-date ni Lee pagkatapos nilang maghiwalay ni Kim

- Sinabi rin niya na walang katotohanan ang mga naglalabasang tsismis na kinasal na sila sa New York

Inamin ni Xian Lim ang kanyang kasalukuyang relasyon kay Iris Lee sa pamamagitan ng isang panayam ni Paul John Caña ng Esquire Philippines. Sinabi ni Lim na nais niyang linawin ang lahat ng mga spekulasyon tungkol sa kanilang ugnayan at ipahayag na sila ay masaya sa kanilang pagsasama.

Xian Lim umamin sa kasalukuyang relasyon: "Yes, I’m seeing Iris"
Xian Lim umamin sa kasalukuyang relasyon: "Yes, I’m seeing Iris"
Source: Instagram

Ayon kay Xian, nagsimula lamang silang mag-date ni Lee matapos ang hiwalayan nila ni Kim. Pinuri niya ang husay ni Lee bilang isang filmmaker.

“Una sa lahat, Iris is a talented filmmaker. She's my producer and she's also my creative partner.”

Read also

Vice Ganda, nagbiro matapos sumingit daw magperform si Anne Curtis: “Respect naman sa ibang artists”

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nilinaw ni Xian ang ilang mga espekulasyon at tsismis tungkol sa kanya mula pa noong Disyembre ng nakaraang taon. Itinanggi niya ang mga alegasyon ng third party sa kanilang hiwalayan ni Kim at iba pang mga fake news, tulad ng pagpapakasal sa New York at pagkakaroon ng kinakasama sa kanyang bahay nang isang taon na.

Sinabi ni Lim na bagamat may mga bagay na hindi nila kontrolado sa buhay, mahalaga na linawin ang mga ito upang hindi madamay ang ibang tao.

Samantala sa isang panayam sa Tonight With Boy Abunda, binahagi ni Xian ang kanyang pananaw tungkol sa pag-ibig.

Sinabi naman ni Xian sa GMA Regional TV News ang tungkol sa kanyang kasiyahan na matuto. Para sa kanya, 'learning never stops.'

Si Xian Lim ay isang aktor, modelo, mang-aawit, at host. Ilan sa mga sumikat na palabas sa telebisyon at pelikulang kinabilangan niya ay My Binondo Girl, The Reunion, Ina, Kapatid, Anak, Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo?, Bride for Rent, The Story of Us at Everything About Her.

Read also

Miss Grace, may makahulugang mensahe tungkol sa 'Justice'

Matatandaang nagbalik-tanaw si Xian sa halos 12 taon na relasyon nila ni Kim Chiu. Sa kanyang broadcast channel ay nagbahagi siya ng kanyang saloobin sa pagtatapos ng kanilang relasyon. Pinasalamatan niya si Kim dahil sa pagpaparanas daw sa kanya ng aniya'y "love like no other." Aniya, hindi man nagtapos sa happily ever after ang kanilang kwento, habangbuhay niya raw maalala ang kanilang memories.

Naghayag din ng mensahe si Kim para kay Xian sa kanyang nilabas na statement bilang pagsasapubliko ng paghihiwalay nila. Pinasalamatan ni Kim si Xian sa aniya'y pagpapakita nito sa kanya kung ano ang pag-ibig. Pinagpasalamat din niya si Xian sa magagandang alaala nila sa loob ng halos 12 na taon nilang pagiging magkarelasyon. Hiling ni Kim ang kindness at respeto sa naging desisyon nila ni Xian.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel