Skusta Clee, nag-post tungkol sa taong aniya'y di nagabayan ng magulang nang maayos

Skusta Clee, nag-post tungkol sa taong aniya'y di nagabayan ng magulang nang maayos

- Nagpost din si Skusta Clee ng makahulugang mensahe patungkol sa hindi pinapangalanang tao

- Kasunod ito ng pagkomento niya sa Facebook post ni Wilbert Tolentino na talaga namang pinag-usapan

- Ani Skusta, lalaking walang modo ang isang tao na hindi nagabayan nang maayos ng magulang

- Agad na umani ng reaksiyon ang post na ito ni Skusta sa kanyang personal na Facebook account

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Maging si Skusta Clee ay nag-post din sa Facebook kasunod ng pagkomento niya sa post ni Wilbert Tolentino. Ani Skusta, lalaking walang modo ang isang tao na hindi nagabayan nang maayos ng magulang.

Skusta Clee, nag-post tungkol sa taong aniya'y di nagabayan ng magulang nang maayos
Skusta Clee, nag-post tungkol sa taong aniya'y di nagabayan ng magulang nang maayos (facebook.com/hoodboycleezy)
Source: Instagram

Hindi din daw nararapat na respetohin ang taong bastos kahit mayaman pa ito.

Pag di ka nagabayan ng magulang mo ng maayos lalaki ka talagang walang modo. Kahit gano kapa ka wealthy kung bastos ka, walang respeto na para sayo.

Read also

Zeinab Harake, niyaya ng inuman ang aniya'y mga may galit sa kanya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Wala ding binaggit na pangalan si Skusta Clee. Gayunpaman, dahil isa ito sa mga kontrobersiyal na social media personalities, agad na umani ng reaksiyon at shares ang kanyang post.

Si Daryl Jake Borja Ruiz o mas kilala bilang si Skusta Clee ay isang Pinoy rapper, singer-songwriter, record producer, at member ng hip-hop group na Ex Battalion o Ex-B na sumikat sa kanilang hit single na "Hayaan Mo Sila." Kabilang sa pinasikat na kanta ni Skusta Clee ay "Zebbiana", "Pauwi Nako", at "Lagi".

Sa naunang post naman ni Skusta Clee sa Facebook, wala itong binanggit na pangalan ngunit may sinabihan ito ng "panget mo sumayaw." Muli siyang napabilang sa popular search sa Facebook kasunod ng kanyang maiksing Facebook post. Simula nang lumabas ang balita tungkol sa paghihiwalay nila ni Zeinab ay kaagad na umaani ng atensiyon ang kanyang mga social media posts. Sa kanyang unang pahayag ay walang direktang sinabi si Skusta kaugnay kay Zeinab ngunit aniya ay mas natutunan niyang mahalin ang sarili niya.

Read also

Skusta Clee, pinayuhan si Wilbert Tolentino na kumalma matapos nitong mag-rant

Nag trending din si Skusta Clee matapos ang kanyang nakakaintrigang Facebook post ngayong araw gamit ang kanyang personal na Facebook account. Sa naturang post ay wala itong binanggit na pangalan ngunit tungkol ito sa aniya'y taong nagloko din ngunit hindi lang umamin. Ilang oras matapos ang pag-post niya nito ay nasa "popular search" sa Facebook ang pangalang Skusta Clee. Agad na umani ng samu't-saring reaksiyon at komento ang kanyang post.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel