Ogie D sa pagkaka-link ni Moira kay Daniel: "According sa kausap ko, imposible daw 'yun"

Ogie D sa pagkaka-link ni Moira kay Daniel: "According sa kausap ko, imposible daw 'yun"

- Naiuugnay daw ngayon ang pangalan ni Moira Dela Torre kay Daniel Padilla

- Ito ang isa mga tinalakay nina Ogie Diaz sa kanyang Showbiz Update channel

- Ang usap-usapan, si Moira ang naituturong third party sa hiwalayan ng Kathniel

- Gayunpaman, agad itong pinabulaanan ni Ogie na ayon sa kanyang source, imposible raw itong mangyari

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa ang pangalan ng singer na si Moira Del Torre sa paghihiwalay nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Ogie D sa pagkaka-link ni Moira kay Daniel: "According sa kausap ko, imposible daw 'yun"
Daniel Padilla (@supremo_dp)
Source: Instagram

Sa Ogie Diaz Showbiz Update, sinabing naloloka umano ang mga fans ng tambalan sa pagakkadati umano ni Moira sa hiwalayan ng Kathniel.

"Ang nakakaloka nito hindi ko kinakaya ang mga fans, bakit niyo naman inili-link si Daniel Padilla kay Moira Dela Torre."
"'Di ko nga alam na parang itinuturo ring third party si Moira Dela Torre. Samantalang, sa pagkakaalam ko lang ha, nag-collab lang 'yung dalawa sa 'Gusto kitang isayaw nang mabagal"

Read also

Ogie D sa pananahimik ni Blythe: "Siguro hindi na rin siya pinagsasalita ng taga-production"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Gayunpaman, agad itong pinabulaanan ni Ogie na mayroong nakausap at sinabing tila hindi ito maaring mangyari.

"According sa kausap ko, imposible daw 'yun. Saka yes, magkapitbahay si Daniel at si Moira. At kaibigan ni Moira si Daniel at si Kathryn."

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan:

Si Daniel Padilla ay isang aktor at modelo sa Pilipinas. Anak siya ni Karla Estrada at aktor na si Rommel Padilla. Mas naging matunog ang pangalan ni Daniel nang pumatok sa publiko ang love team nila ni Kathryn Bernardo na kanyang naging totoong kasintahan sa loob ng 11 na taon.

Matatandaang binalot kamakailan ng kontrobersiya ang Kathniel matapos umanong maibahagi ni Ogie Diaz ang kanya umanong nabalitaan sa isang source tungkol kina Daniel Padilla at Andrea Brillantes. Inulan ito ng batikos na humantong pa sa puntong inakusahan si Ogie na nagpapakalap umano ng fake news.

Read also

Ogie D, nakausap ang kaibigan ni Richard: "Kung malalaman ko lang daw ang katotohanan"

At nito lamang Nobyembre 30, halos sabay na kinumpirma nina Kathryn at Daniel ang kanilang paghihiwalay na matagal nang naging bali-balita bago pa man ipalabas ang pelikula ni Kathryn na A Very Good Girl. Sa pamamagitan ng kani-kanilang post, naglahad ng saloobin ang dalawa upang ipaunawa lalo na sa kanilang mga fans ang parehong desiyon na mayroon pa rin umanong respeto at pagmamahal.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel