Rosmar Tan, proud na sinapubliko ang tungkol sa pagpaparetoke

Rosmar Tan, proud na sinapubliko ang tungkol sa pagpaparetoke

- Binahagi ni Rosmar Tan ang video kung saan may nakalagay na benda sa kanyang ilong

- Aniya, nauna niya naman nang sinabi na kapag magpaparetoke siya ay hindi niya itatago

- Nabanggit niya rin ang tungkol sa mga taong aniya ay nagbintang sa kanya noon na nagparetoke siya

- Dagdag pa niya, pahiya ang mga ito dahil ngayon lang siya nagparetoke

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Rosmar Tan, nauna na niyang sinabi na hindi niya ikakahiya at hindi niya itatago kapag nagparetoke siya. Aniya, napahiya lang ang mga taong aniya ay nagbintang sa kanya noon na nagparetoke siya dahil ngayon lang siya nagparetoke.

Rosmar Tan, proud na sinapubliko ang tungkol sa pagpaparetoke
Rosmar Tan, proud na sinapubliko ang tungkol sa pagpaparetoke (@rosmartan)
Source: Instagram

Dagdag pa niya, mahirap umano umamin noon dahil hindi naman totoo ang binibintang sa kanya na nagparetoke siya.

Sabi ko naman sainyo pag nagparetokeee ako iannounce ko, HAHAHA mahirap kasi umamin noon kung di naman totoo binibintaaang nyo HAHAHA

Nakalagay din sa kanyang post ang hashtag na #ProudRetokada.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa naunang TikTOk video niya ay binahagi pa niya ang balak niyang pagpaparetoke ng ilong.

Si Rosmar Tan o Rosemarie Tan ay nakilala sa social media dahil sa kanyang pamamahagi ng tulong sa mga netizens lalo na ngayong panahon ng pandemya. Unti-unting lumaki ang bilang ng mga taong naka-follow sa kanyang social media accounts.

Matatandaang naging emosyonal ang vlogger na si Rosemar kaugnay sa video kung saan pinagtatawanan umano ang dati niyang itsura. Inalmahan niya ang umano'y pang-bu-bully sa kanya ng ilang sikat na influencer sa TikTok. Mayroon din umanong screenshot ng conversation ng mga ito ng kanilang pang-bu-bully kay Rosmar. Tila naman humingi na ito ng saklolo sa tinaguriang sumbungan ng bayan, ang "Raffy Tulfo in Action" na kanyang binanggit sa kanyang post.

Sinabi ni Rosmar na hindi talaga siya nagparetoke dahil natatakot umano siya. Nagpaturok lang umano siya para masubukan yung enhancement para magkaroon siya ng ilong na kagaya sa mga artista. Sa naturang video ay ginalaw pa niya ang kanyang ilong bilang patunay na hindi umano siya nagparetoke. Dagdag pa niya, alam umano niya na isang taon lang ang bisa ng kanyang pagpapaturok at bumalik na sa dati ang kanyang ilong.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel