Cristy Fermin, muling iginiit na buntis umano si Julia Montes; "di pwedeng dayain ang camera"

Cristy Fermin, muling iginiit na buntis umano si Julia Montes; "di pwedeng dayain ang camera"

- Muling nabanggit ni Cristy Fermin ang pagdadalang-tao 'di umano ng aktres na si Julia Montes

- Ito ay matapos na lumabas muli ni Julia sa pagtatapos ng 'FPJ: Ang Probinsyano' noong Agosto 12

- Aniya, hindi ganoon ang katawan ni Julia na kapansin-pansin umanong may kalakihan ngayon

- Nabanggit din niya muli ang hindi nito pagpunta sa burol ni Susan Roces dahil sa paniniwalang bawal magtungo ang buntis sa mga burol

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa pinakabagong episode ng Showbiz Now Na! napag-usapan muli nina Cristy Fermin, Wendell Alvarez at Morly Alinio ang umano'y napansin nila sa katawan ni Julia Montes.

Cristy Fermin, muling iginiit na buntis umano si Julia Montes; "di pwedeng dayain ang camera"
Cristy Fermin (Showbiz Now Na)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na sa pagtatapos ng 'FPJ Ang Probinsyano', muling napanood si Julia na kaeksena si Coco Martin.

Kapansin-pansin umano ang katawan nito kahit pa raw ito ay nakasuot ng jacket.

Read also

Herlene Budol, inspirasyon pa rin ang namayapang lola; "Nandiyan lang siya, 'di siya nawala"

"Hindi po ako dadayain ng aking paningin. Kayo rin po siguro... Ang laki-laki po ng balakang ni Julia, e hindi ko po pwedeng lansihin ang utak ko kundi ang isipin na nagdadalang-tao siya," ang tahasang nasabi ni Cristy.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Hindi naman ganoon ang katawan ni Julia Montes," dagdag pa niya.

Nabanggit din niya muli ang hindi umano pagpunta ni Julia sa burol ng namayapang beteranang aktres na si Susan Roces dahil bawal umano ito sa mga buntis.

"Nandoon lahat-lahat, cast crew and staff, production staff ng Probinsyano. Wala si Julia. Anong na-headline? Kapag nagdadalang-tao raw bawal pumunta sa burol. Bawal pumunta sa patay. Ako po talaga pinaulit-ulit ko pa 'yan talagang napakalaki po ng katawan ni Julia kahit nakatalikod," ayon pa rin kay Cristy.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag:

Read also

Andre Yllana sa amang si Jomari; "May mga bagay kasi na it's too late na"

Si Cristy Fermin naman ay isang veteran showbiz columnist at reporter sa Pilipinas. Sa loob ng ilang dekada, ilang talk shows na rin ang kanyang pinagbidahan kung saan mahihinuha ang mga latest showbiz chika.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang kanyang pagbibigay ng maiinit na showbiz balita sa kanyang radio program na Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na!

Kamakailan, ibinahagi ni Cristy Fermin ang biyayang natanggap nila sa YouTube kung saan nagkamit na ito ng silver play button.

Matatandaang sa YouTube channel din ni Cristy una niyang nabanggit ang umano'y pagdadalang-tao ni Julia Montes.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel