Cristy Fermin sa nababalita umanong buntis si Julia Montes; "Aminin kung totoo"

Cristy Fermin sa nababalita umanong buntis si Julia Montes; "Aminin kung totoo"

- Muli na namang napapabalitang buntis 'di umano si Julia Montes

- Ito ay matapos mapansin ng netizens na malaki umano ang tiyan ng aktres at ang mga larawan nito ay laging may takip ang tiyan

- Ani Cristy Fermin, wala umanong reaksyon ang aktres kahit ilang beses nang napapabalitang nagdalang-tao ito

- Hamon niya kay Julia na aminin kung totoo at pabulaanan naman kung hindi

Napapabalita na namang buntis umano ang aktres na si Julia Montes.

Cristy Fermin sa nababalita umanong buntis si Julia Montes; "Aminin kung totoo"
Julia Montes (@montesjulia08)
Source: Instagram

Isa ito sa maiinit na isyu na tinalakay nina Cristy Fermin, Romel Chika at Morly Alinio sa pinakabagong episode nila ng 'Showbiz Now Na!'

Ayon kay Cristy, nag-umpisa ito nang mapansin umano ng ilang netizens na malaki raw ang tiyan ni Julia nang mapanood nila ito sa 'FPJ: Ang Probinsyano."

Sinundan pa ito ng mga post ni Julia sa kanyang social media na tila nadadalas ang pagtatakip nito ng kanyang tiyan sa mga larawan.

Read also

Cristy Fermin, sa hiwalayang Carla at Tom: "Seven years is too long"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Nagsimula 'yang ingay ng pagdadalang-tao na 'yan 'nung lamay ni Manang Inday [Susan Roces]," ani ni Cristy.

"Nagpunta po lahat mga ka-chika ang staff, crew, at mga artista ng 'Ang Probinsyano' sa lamay. Nagkaroon ng eulogy, wala si Julia Montes. Hinanap siya. ang dahilan na lumutang, bawal daw pong magpunta sa burol ang buntis," dagdag pa niya.

"Aminin na ang dapat aminin, mahirap maging sorry sa darating na araw... Ang punto po natin, aminin 'pag ka totoo, i-deny kung walang katotohanan," payo ni Cristy kina Julia at Coco.

Narito ang kabuuan ng kanilang pahayag sa Showbiz Now Na! YouTube channel:

Si Cristy Fermin naman ay isang veteran showbiz columnist at reporter sa Pilipinas. Sa loob ng ilang dekada, ilang talk shows na rin ang kanyang pinagbidahan kung saan mahihinuha ang mga latest showbiz chika.

Read also

Whamos at Antonette Gail, magkaka-baby na; "Pinag-isipan namin ng matagal 'to"

Sa ngayon, patuloy pa rin ang kanyang pagbibigay ng maiinit na showbiz balita sa kanyang radio program na Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na!

Kamakailan, ibinahagi ni Cristy Fermin ang biyayang natanggap nila sa YouTube kung saan nagkamit na ito ng silver play button.

Sa naturang episode din natalakay nina Cristy, Romel at Morly ang umano'y naging pahayag nina Carla Abellana at Tom Rodriguez ukol sa kanilang hiwalayan. Lalo umano itong naging kontrobersyal gayung hindi naging malinaw ang eksaktong dahilan ng pagtatapos ng kanilang relasyon bilang mag-asawa.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel