Cristy Fermin, sa hiwalayang Carla at Tom: "Seven years is too long"

Cristy Fermin, sa hiwalayang Carla at Tom: "Seven years is too long"

- Nagbigay ng komento si Cristy Fermin patungkol sa hiwalayan nina Carla Abellana at Tom Rodriguez

- Ito ay matapos na maglabas na ng pahayag ang magkabilang panig kamakailan lamang

- Ayon kay Cristy, matagal umano ang pitong taon na sinasabing pagtitiis ni Carla kung may napapansin na siyang ibang gawi ni Tom

- Gayunpaman, maging sila umano ay nahihiwagaan pa rin sa eksaktong dahilan ng paghihiwalay ng dalawa at umabot pa sa kasalan bago ito mangyari

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isa sa mga nga napag-usapan sa pinakabagong episode ng Showbiz Now Na! nina Cristy Fermin, Romel Chika at Morly Alinio ay ang mga naging pahayag nina Carla Abellana at Tom Rodriguez sa kanilang hiwalayan.

Cristy Fermin, sa hiwalayang Carla at Tom: "Seven years is too long"
Cristy Fermin (Showbiz Now Na!)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na nagbigay reaksyon ang tatlo lalo na si Cristy patungkol sa pahayag ni Carla lalo na at nakatagal pa umano ito ng pitong taon bago tuluyang nakipaghiwalay kay Tom.

Read also

Whamos at Antonette Gail, magkaka-baby na; "Pinag-isipan namin ng matagal 'to"

Umabot pa umano sa punto na sila ay magsumpaan pa sa harap ng altar sa kanilang kasalan bago mangyari ang hiwalayan.

"Pitong taon silan naging magkarelasyon, bago nagpakasal... Ako isang taon pa lang na nakikita ko na 'yung mga sinasabi niyang akusasyon, lalabas na ako sa relasyon," ani Cristy.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Tumaas ng milya-milya ang kilay ko. Kasi niloloko ka na pala, nabastos ka na pala, sinasaktan at dinudurog ka na pala, in seven years, natiis mo pa? Tapos nagpakasal ka pa? Doon sa seven years pa lang dapat nakita mo na ganito ang mapapangasawa ko, nag-isip ka na. Sinabi mo na sa sarili mo na, ito ba ang lalaking magiging ama ng mga anak ko? Ito ba ang lalaking makakasama ko habang buhay? Doon pa lang naisip mo na Carla na teka muna saglit," pahayag naman ni Morly.

Read also

Cristy Fermin, sinabing tinapon daw ni Carla Abellana ang mga gamit ni Tom Rodriguez

Dahil sa mga inilabas na pahayag ng magkabilang panaig, lalo lamang umanong naguluhan ang publiko sa kung ano tunay na dahilan ng hiwalayan nina Carla at Tom.

Narito ang kabuuan ng talakayan nina Cristy, Romel at Morly mula sa kanilang Showbiz Now Na! YouTube channel:

Si Cristy Fermin naman ay isang veteran showbiz columnist at reporter sa Pilipinas. Sa loob ng ilang dekada, ilang talk shows na rin ang kanyang pinagbidahan kung saan mahihinuha ang mga latest showbiz chika.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang kanyang pagbibigay ng maiinit na showbiz balita sa kanyang radio program na Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na!

Kamakailan, ibinahagi ni Cristy Fermin ang biyayang natanggap nila sa YouTube kung saan nagkamit na ito ng silver play button.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel