Cristy Fermin, pinayuhan si Alyssa Alvarez tungkol sa bashers ng anak na si AJ Raval

Cristy Fermin, pinayuhan si Alyssa Alvarez tungkol sa bashers ng anak na si AJ Raval

- Nagbigay ng pahayag si Cristy Fermin patungkol sa mga reaksyon ni Alyssa Alvarez sa mga umano'y bashers ng anak nitong si AJ Raval

- Sinabi niyang sana'y isaisip din nito ang minsang nasabi ng ama ni AJ na si Jeric sa pagpasok nito sa showbiz

- Mas hanga pa umano ang mga SNN host kay Jeric na maayos na nadadala ang mga komento sa kanyang anak

- Matatandaang mariing itinanggi ng kampo ni AJ ang umano'y naging pasabog ni Cristy patungkol sa pagdadalang-tao ng aktres

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Muling napag-usapan sa Showbiz Now Na! (SNN) ang tungkol sa isyung kinakaharap ngayon ng 'pandemic breakout star' na si AJ Raval.

Cristy Fermin, pinayuhan si Alyssa Alvarez tungkol sa bashers ng anak nitong si AJ Raval
Photo: Alyssa Alvarez
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na nagbigay pahayag sina Cristy Fermin, Romel Chika at Morly Alinio patungkol sa naging reaksyon ng ina ni AJ na si Alyssa Alvarez sa naging pasabog ng SNN na buntis 'di umano si AJ.

Read also

Vanessa Raval, sinabing hindi si Skusta yung nasa post niya

Ayon kay Cristy, tila isang paghamon ang pahiwatig ng mga post ni Alyssa na sinasabing patungkol sa pagtatanggol nito sa anak.

Pahayag ni Morly, normal lamang na ipagtanggol ng ina ang anak subalit paulit-ulit umano ang isyu at paghamon kung nasaan nga ba si AJ para talagang patunayan na walang katotohanan ang bali-balitang nagdadalang-tao siya sa umano'y anak daw nila ni Aljur Abrenica.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Haay naku, ang pakikisawsaw niya e talaga namang in-open niya ang sarili niya na handa siyang sagutin ang lahat ng parinig lalo na ng mga bashers at Marites. Sasagutin niya 'yan, naghamon e, walang pakialaman," pahayag naman ni Romel Chika.

"Aling Alyssa sana naman naiitindihan niyo na ang buhay noon ni AJ at ngayon, napakalayo na po ng comparison. Public figure na po ang anak niyo. Artista na. Pumasok na po sa isang larangan na kakambal ng mga intriga at kung ano-ano pa pong mga kwento,

Read also

Angel Locsin, muling napuri ni Cristy Fermin at mga kasamahan nito sa SNN

"Sana po maintindihan niyo, na kung ayaw niyong naba-bash ang inyong anak, tanggalin niyo po siya sa showbiz," ani ni Cristy sa ina ni AJ.

Narito ang kabuuan ng kanilang pahayag:

Si Cristy Fermin naman ay isang veteran showbiz columnist at reporter sa Pilipinas. Sa loob ng ilang dekada, ilang talk shows na rin ang kanyang pinagbidahan kung saan mahihinuha ang mga latest showbiz chika.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang kanyang pagbibigay ng maiinit na showbiz balita sa kanyang radio program na Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na!

Kamakailan, ibinahagi ni Cristy Fermin ang biyayang natanggap nila sa YouTube kung saan nagkamit na ito ng silver play button.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel