Xian Gaza, sinagot ang pahayag ni Ella Cruz: "Ako sinaktan mo Ella"

Xian Gaza, sinagot ang pahayag ni Ella Cruz: "Ako sinaktan mo Ella"

- Nagkomento si Xian Gaza sa naging pahayag ni Ella Cruz sa panayam ni Boy Abunda sa kanya kung saan naging emosyonal ang aktres

- Sa comment section ng isang post ay sinagot ni Xian ang tanong ni Ella kung may sinaktan daw ba siyang tao

- Aniya, bigla na lang siyang binlock at ghinost nang wala man lang paliwanag

- Matatandaang nauna nang naibahagi ni Xian ang umano'y kwento sa nakaraan nila ni Ella

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sinagot ni Xian Gaza ang tanong ni Ella Cruz sa panayam sa kanya kung may sinaktan daw ba siyang tao. Ani Xian, bigla na lang siyang binlock at ghinost nang wala man lang paliwanag.

Xian Gaza, sinagot ang pahayag ni Ella Cruz: "Ako sinaktan mo Ella"
Xian Gaza, sinagot ang pahayag ni Ella Cruz: "Ako sinaktan mo Ella" (@ellacruz)
Source: Instagram
Ako sinaktan mo, Ella. Bigla-bigla mo na lang akong binlock sa lahat at tuluyang ghinost. Wala Man Lang explanation. Sobrang sakit.

Read also

Ella Cruz, hindi napigilang umiyak sa panayam sa kanya ni Boy Abunda

Matatandaang nauna nang naibahagi ni Xian ang umano'y kwento sa nakaraan nila ni Ella. Sinabi niyang hindi naman siya naging boyfriend ng aktres ngunit naging malapit umano sila noon.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Ella Cruz ay isang artista, endorser, host, modelo at dancer. Kilala siya sa kanyang pagganap bilang si Aryana noong taong 2012 sa Kapamilya network. Matatandaang naging usap-usapan ang social media posts ni Ella at boyfriend nitong si Julian Trono.

Naglabas din ng pahayag si Pokwang kaugnay sa kontrobersiyal na pahayag ni Ella Cruz kaugnay sa kanyang paghahalintulad ng History sa Tsismis. Aniya, nirerespeto niya ang desisyon ni Ella kaugnay sa pananaw nito sa politika at sa sinuportahan nito. Gayunpaman, hindi umano siya sasang-ayon sa sinabi nito tungkol sa history dahil aniya ay maling-mali iyon. Nagbiro pa ito na gusto niyang ibalik sa dagat si 'Aryana' na dating ginampanan ni Ella kung saan si Pokwang ang gumanap bilang ina nito.

Read also

Gina Pareño, nilinaw ang pag-amin sa pagiging LGBT; "I’m all woman! Hello!"

Si Ella ang guest ng batikang TV host na si Boy Abunda sa kanyang YouTube channel na 'The Boy Abunda Talk Channel.' Naibahagi sa naturang channel ang teaser ng panayam kay Ella Cruz. Makikita sa teaser na hindi napigilang maiyak ni Ella habang inilalahad ang kanyang saloobin at sa pagsagot ng mga katanungang ibinabato sa kanya. Kabilang sa naitanong sa kanya ni Boy ay kung nasaktan daw ba siya sa post ni Pokwang ngunit hindi inilabas sa naturang teaser ang kanyang sagot.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel