Ella Cruz, hindi napigilang umiyak sa panayam sa kanya ni Boy Abunda

Ella Cruz, hindi napigilang umiyak sa panayam sa kanya ni Boy Abunda

- Si Ella Cruz ang guest ng batikang TV host na si Boy Abunda sa kanyang YouTube channel na 'The Boy Abunda Talk Channel'

- Naibahagi sa naturang channel ang teaser ng panayam kay Ella Cruz at nakatakdang ilabas ang buong video ngayong araw ng Biyernes

- Makikita sa teaser na hindi napigilang maiyak ni Ella habang inilalahad ang kanyang saloobin at sa pagsagot ng mga katanungang ibinabato sa kanya

- Kabilang sa naitanong sa kanya ni Boy ay kung nasaktan daw ba siya sa post ni Pokwang ngunit hindi inilabas sa naturang teaser ang kanyang sagot

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Emosyonal si Ella Cruz habang inilalahad niya ang kanyang saloobin. Base sa teaser ng video ng panayam sa kanya ni Boy Abunda, kabilang sa naitanong sa kanya ay kung nasaktan daw ba siya sa post ni Pokwang.

Read also

Honor student, emosyonal sa kanyang graduation nang biglang sumulpot ang inang OFW

Ella Cruz, hindi napigilang umiyak sa panayam sa kanya ni Boy Abunda
Ella Cruz, hindi napigilang umiyak sa panayam sa kanya ni Boy Abunda (@ellacruz)
Source: Instagram

Nabanggit din sa teaser ang tungkol sa naranasang bullying ni Ella noong high school siya na umabot sa puntong sinaktan siya ng pisikal.

Makikita sa teaser na hindi napigilang maiyak ni Ella habang inilalahad ang kanyang saloobin at sa pagsagot ng mga katanungang ibinabato sa kanya.

Matatandaang umalma si Ella kamakailan sa pandadamay umano sa kanyang pamilya sa gitna ng pambabatikos na kanyang pinagdadaanan. Aniya, ayos lang sa kanya na i-bash siya ngunit huwag daw idadamay ang kanyang pamilya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Ella Cruz ay isang artista, endorser, host, modelo at dancer. Kilala siya sa kanyang pagganap bilang si Aryana noong taong 2012 sa Kapamilya network. Matatandaang naging usap-usapan ang social media posts ni Ella at boyfriend nitong si Julian Trono.

Sa pag-viral ng kanyang pahayag tungkol sa history, naglabas si Xian Gaza ng isang open letter para kay Ella na talaga namang naging usap-usapan. Ani Xian, na-miss niya si Ella at nirerespeto nito ang opinyon niya ngunit nagbigay siya ng halimbawa ng pagkakaiba ng history, tsismis at historical revisionism. Ang tsismis umano ay ang lumabas na balitang ex-boyfriend siya ni Ella at ang nilagay niyang halimbawa ng historical revisionism ay tungkol sa naging pahayag ng magulang ni Ella na stalker umano siya ng aktres.

Naglabas din ng pahayag si Pokwang kaugnay sa kontrobersiyal na pahayag ni Ella Cruz kaugnay sa kanyang paghahalintulad ng History sa Tsismis. Aniya, nirerespeto niya ang desisyon ni Ella kaugnay sa pananaw nito sa politika at sa sinuportahan nito. Gayunpaman, hindi umano siya sasang-ayon sa sinabi nito tungkol sa history dahil aniya ay maling-mali iyon. Nagbiro pa ito na gusto niyang ibalik sa dagat si 'Aryana' na dating ginampanan ni Ella kung saan si Pokwang ang gumanap bilang ina nito.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel