Ruffa Gutierrez, pinayuhan ang mga na-bully dahil sa naging pagkakamali

Ruffa Gutierrez, pinayuhan ang mga na-bully dahil sa naging pagkakamali

- Pinayuhan ni Ruffa Gutierrez ang mga aniya'y na-bu-bully dahil sa nagawang pagkakamali noong kabataan nila

- Aniya, huwag hahayaan na ang pagkakamali ay maging hadlang para sa magandang kinabukasan

- Dagdag pa niya, ang nakaraan ay magsisilbing aral at bilang tao ay hindi maiwasan ang pagkakamali

- Ito ay sa gitna ng paglabas ng kontrobersiyal na acting awards niya noong dekada 90

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ani Ruffa Gutierrez, hindi dapat hayaang makahadlang sa magandang kinabukasan ang anumang pagkakali sa nakaraan. Ito ang kanyang payo sa mga nakakaranas ng pambu-bully dahil sa kanilang maling nagawa.

Ruffa Gutierrez, pinayuhan ang mga na-bully dahil sa naging pagkakamali
Ruffa Gutierrez, pinayuhan ang mga na-bully dahil sa naging pagkakamali (@iloveruffag)
Source: Instagram

Sa kanyang tweet ay sinabi niyang ang nakaraan ay magsisilbing aral at bilang tao ay hindi maiwasan ang pagkakamali.

To those being bullied for mistakes you’ve made as an adolescent, DO NOT let the memories of your past limit the potential of your future. We are human. Remember that the past is a place of reference not a place of residence: it is a place of learning not a place of living.

Read also

Ruffa Gutierrez, binahagi ang kahalagahan ng pagkakatuto sa pagkakamali

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matatandaang kamakailan ay naibahagi ni Cong. Guanzon ang tungkol sa kontrobersiyang kinasangkutan niya noong dekada '90.

Si Sharmaine Ruffa Rama Gutierrez ay isang Pinay beauty queen, actress, at model. Anak siya ng mga batikang artista na sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama. Nanalo siya bilang second runner-up sa Miss World 1993 pageant. Nabiyayaan siya ng dalawang anak na sina Lorin Gabriella at Venezia Loran sa dati niyang asawang si Yilmaz Bektas.

Pinagtanggol ni Annabelle Rama ang anak na si Ruffa sa gitna ng kinasasangkutan nitong kontrobersiya. Wala itong binanggit na pangalan ngunit pinagsabihan ni Anabelle ang taong aniya'y kung magkwento ay parang CCTV ni Ruffa. Aniya, huwag itong maging "chismosang Marites" at ayusin na lang umano nito ang kaso niya. Nagtanong pa ito na baka nagpapansin lang ang kanyang pinatutungkulang tao para mapasali sa Maid in Malacañang.

Read also

Maggie Wilson, nagpahiwatig tungkol sa umano'y katotohanan na malapit nang lumabas

Ayon naman sa abogado ni Ruffa, black propaganda lamang ang nilabas na isyu kaugnay sa aktres. Ito umano ay dahil gaganap si Ruffa bilang si dating First Lady Imelda Marcos sa pelikulang Maid in Malacañang. Tinitingnan umano ng kampo ng aktres ang maaring gawing aksiyon upang panagutin ang mga nagpapakalat ng maling impormasyon laban sa kanya. Matatandaang nauna nang pinabulaan ni Ruffa ang tungkol sa akusasyong pinaalis ang mga kasambahay nang hindi binabayaran ng kanilang sahod.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel