Angelica Jane Yap o 'Pastillas Girl', muling bumwelta: "Bukas tayo magtutuos"

Angelica Jane Yap o 'Pastillas Girl', muling bumwelta: "Bukas tayo magtutuos"

- Nag-post si Angelica Jane Yap o 'Pastillas Girl' ng isang TikTok video matapos ang kanyang pasaring kaugnay sa aniya'y "papunta pa lang sa exciting part"

- Kalakip ng kanyang TikTok video ay ang caption na "Bukas tayo magtutuos"

- Pabiro niya ring sinabihan ang aniya'y mga "chismosa" na huwag ma-excite

- Matatandaang marami ang nag-abang sa kanyang sasabihin matapos ang kanyang naunang post

Ayon kay Angelica Jane Yap o mas kilala bilang si 'Pastillas Girl', bukas umano sila magtutuos ng taong hindi na niya pinapangalanang. Ito ang kanyang post kasunod ng naunang cryptic message tungkol sa aniya'y "exciting part".

Angelica Yap at Flow G (@angelicajaneyap)
Angelica Yap at Flow G (@angelicajaneyap)
Source: Instagram

Sa kanyang binahaging TikTok video ay makikita ang social media influencer na nakahiga at nag-du-dub ng isang kanta na may linyang "Ang dami mong alam".

Hindi naman na nito binanggit kung para kanino iyon ngunit pabiro niyang sinabihan ang aniya'y mga "chismosa" na huwag ma-excite.

Read also

Jillian Ward, pinakilala ni Miss Glenda bilang "Face of #PerfectlyBrilliant"

Agad na umani ng samu't-saring mga komento at mga reaksiyon ang naturang Facebook post niya lalo at marami ang mga netizens nakaabang sa kanyang sinasabing "exciting part". Sa katunayan ay mahigit 48K reacts, 6k shares at 5.3 comments na ang nakuha ng naturang post ni Angelica.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Angelica Yap ay unang sumikat matapos siyang maging bahagi ng It's Showtime bilang si Pastillas Girl. Ito ang ipinantapat ng It's Showtime sa tambalang AlDub na sobrang sumikat din noong mga panahong iyon.

Inamin naman ni Angelica na nasasaktan siya sa mga pang-ba-bash at pambabatikos ng mga fans ng AlDub. Isa si Angelica sa kasalukuyan sa mga kilalang YouTube content creator sa bansa na mayroon nang mahigit 3 milyon ang subscribers. Kamakailan ay pinakita nito ang bagong bahay na tinitirahan nila ng kanyang boyfriend na si Flow G. ng Ex-Battalion.

Naging usap-usapan ang content creator na si MG matapos nitong ilabas ang isang video kung saan inalamahan niya ang umano'y pagkukunsinti ng kaibigan ni Skusta Clee sa ginawa nitong pag-iwan sa kanyang mag-ina. Hindi nito pinalampas ang nilabas na TikTok video ni Angelica Yap kung saan sinasabi niyang hindi siya kinakabahan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel