Xian Gaza, bumati ng magandang umaga sa lahat maliban kay Bongbong Marcos

Xian Gaza, bumati ng magandang umaga sa lahat maliban kay Bongbong Marcos

- Maging ang presidential aspirant na si dating senator Bongbong Marcos ay hindi nakawala sa mga pangalang binabanggit at naita-tag ni Xian Gaza

- Sinabi pa niyang ang dating senador ang nasa blind item umano ng Pangulo

- Maging si Presidente Rodrigo Duterte ay nabanggit at nai-tag din ni Xian Gaza sa kanyang sunod-sunod halos na post tungkol sa mga kilalang personalidad

- Muling gumawa ng ingay sa social media si Xian nang ayain niya para sa isang dinner date ang isang miyembro ng sikat na Korean group na Blackpink

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isa na rin si Presidential candidate Bongbong Marcos sa mga nabanggit na pangalan ni Xian Gaza sa kanyang sunod-sunod na social media post kamakailan.

Nalaman ng KAMI na tulad ng mga naunang post ni Xian, bumati siya ng magandang umaga sa lahat maliban umano sa dating senador.

Read also

Xian Gaza, binigyan ng pera ang nagpadala sa kanya ng picture ni Diego Loyzaga mula sa Escala

Xian Gaza, bumati ng magandang umaga sa lahat maliban kay Bongbong Marcos
Xian Gaza (Christian Albert Gaza)
Source: Facebook

Bahagi rin ng post ang sinabi ni Xian na si Bongbong Marcos daw 'di umano ang nasa blind item ng Pangulo.

Kapansin-pansin naman na nai-post niya ito matapos din niyang hamunin si Presidente Rodrigo Duterte ng 'Battle of the Blind Item' dahil umano sa pinakawalan nitong pahayag kamakailan tungkol sa isang 'di pinangalanang presidential candidate.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang unang nag-post ng kanyang pagbati ng "good morning" o "good night" si Xian sa mga kilalalang personalidad nang mai-tag nito si Barbie Imperial na sinundan ng mga aksusasyon nito kay Diego Loyzaga na kasintahan ng aktres.

Sa ngayon, isa na rin si Barbie Forteza sa mga artistang nababanggit ni Xian sa kanyang mga post.

Si Christian Albert "Xian" Gaza ay unang nakilala sa social media matapos ang kanyang kontrobersyal na billboard proposal kay Erich Gonzales para magkape.

Read also

Xian Gaza kay Pangulong Duterte: "Hinahamon po kita sa isang 'Battle of the Blind Item'"

Matapos ito, gumawa muli siya ng ingay sa social media nang madawit bilang isang umanong scammer. Sa katunayan ay nakulong pa ito ngunit nakapag-piyansa. Sa ngayon, sinasabing nasa ibang bansa ito at mayroong sariling negosyo.

Samantala, marami pa rin naman ang humanga sa kanya dahil sa pagtulong niya sa isang lalaking nahuling nagnakaw ng diaper.

Kamakailan, muling naging matunog ang pangalan ni Xian dahil sa agaw-eksenang billboard proposal niya sa South Korea kung saan inaya niya para sa isang dinner date si "Jennie" na isa sa mga miyembro ng K-pop group na 'Blackpink'.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel