Xian Gaza, binigyan ng pera ang nagpadala sa kanya ng picture ni Diego Loyzaga mula sa Escala

Xian Gaza, binigyan ng pera ang nagpadala sa kanya ng picture ni Diego Loyzaga mula sa Escala

- Ibinahagi ni Xian Gaza ang transaction details kung saan mayroon siyang pinadalhan ng pera

- Halagang Php2000 ang kapalit ng larawang ni Diego Loyzaga na pinadala sa kanya na kuha raw umano sa Escala Tagaytay

- Aniya ang pagiging tsismosa raw ang maaring maging hanapbuhay

- Kamakailan, sunod-sunod ang mga naging pagbanggit ng pangalan ni Xian sa iba't ibang mga personalidad na maging sina presidential aspirant Bongbong Marcos at si Pangulong Duterte ay nakasama

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Ang pagiging tsismosa ay isang hanapbuhay," ayon kay Xian Gaza sa kanyang pinakabagong post kung saan may pinadalhan siya umano ng pera.

Nalaman ng KAMI na ibinahagi niya ang transaction details kung saan Php2,000 ang naibigay ni Xian sa taong nagpadala raw sa kanya ng larawan ni Diego Loyzaga na kuha umano sa Escala Tagaytay.

Read also

Xian Gaza, hindi pa tapos kina Diego Loyzaga at Barbie Imperial

Xian Gaza, binigyan ng pera ang nagpadala sa kanya ng picture ni Diego Loyzaga sa Escala
Xian Gaza (Christian Albert Gaza)
Source: Facebook

Ilang oras bago ang naturang post na ito, ibinahagi ni Xian ang larawan di umano ni Diego na nasa reception ng nasabing resort.

Bago rin ito, nagtanong din si Xian sa pamamagitan ng isang social media post kung sino ang may nakakikila na nagtatatrabaho sa Escala.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ito ay kaugnay umano sa nalamang niyang kaganapan doon kung saan nag-away di umano si Diego at ang kasintahan niyang si Barbie Imperial.

Kamakailan ay naging sunod-sunod ang pag-tag ni Xian sa iba't ibang personalidad kasabay na kontrobersyal na isyung kinasasangkutan daw ng mga ito.

Maging sina Presidente Rodrigo Duterte at presidential aspirant na si Bongbong Marcos ay napasama sa mga personalidad na nai-post ni Xian.

Si Christian Albert "Xian" Gaza ay unang nakilala sa social media matapos ang kanyang kontrobersyal na billboard proposal kay Erich Gonzales para magkape.

Read also

Xian Gaza, bumati ng magandang umaga sa lahat maliban kay Bongbong Marcos

Matapos ito, gumawa muli siya ng ingay sa social media nang madawit bilang isang umanong scammer. Sa katunayan ay nakulong pa ito ngunit nakapag-piyansa. Sa ngayon, sinasabing nasa ibang bansa ito at mayroong sariling negosyo.

Samantala, marami pa rin naman ang humanga sa kanya dahil sa pagtulong niya sa isang lalaking nahuling nagnakaw ng diaper.

Kamakailan, muling naging matunog ang pangalan ni Xian dahil sa agaw-eksenang billboard proposal niya sa South Korea kung saan inaya niya para sa isang dinner date si "Jennie" na isa sa mga miyembro ng K-pop group na 'Blackpink'.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel