Xian Gaza kay Pangulong Duterte: "Hinahamon po kita sa isang 'Battle of the Blind Item'"

Xian Gaza kay Pangulong Duterte: "Hinahamon po kita sa isang 'Battle of the Blind Item'"

- Pati si Presidente Rodrigo Duterte ay nasama na rin ang mga personalidad na naipo-post ni Xian Gaza kamakailan

- Sa kanyang socmed post, hinahamon niya umano si Pangulong Duterte sa isang 'battle of the blind item'

- Ito ay matapos na ipahayag ng pangulo na isang presidential aspirant ang gumagamit umano ng cocainé

- Kamakailan ay gumagawa muli ng ingay si Xian dahil sa kanyang sunod-dunod na pag-tag sa mga artista at ngayon, pati mga kilalang pulitiko

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi nakaligtas maging si Presidente Rodrigo Duterte sa mga pangalang naisasama ni Xian Gaza sa kanyang mga social media post.

Nalaman ng KAMI na ngayon lamang Nobyembre 19, hinamon umano ni Xian ang Pangulo ng 'Battle of the blind Item'.

Ito ay matapos na isiwalat ni Pangulong Duterte na isang presidential aspirant ay gumagamit di umano ng cocainé.

Read also

Xian Gaza, binigyan ng pera ang nagpadala sa kanya ng picture ni Diego Loyzaga mula sa Escala

Xian Gaza kay Pangulong Duterte: "hinahamon po kita sa isang 'Battle of the Blind Item'"
Xian Gaza (Christian Albert Gaza Facebook)
Source: Facebook

Kapansin-pansin na hindi lamang pagbabanggit ng pangalan ang ginawa ni Xian sa Pangulo kundi, nagawa pa niyang i-tag ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang naturang Rody Duterte Facebook page na nai-tag ni Xian ay may 4.5 million followers at ang umano'y Facebook Account of ng dating alkalde ng Davao City na ngayo'y papatapos na ang termino sa pagiging Pangulo ng Pilipinas.

Ilang oras matapos ang post na ito, isa rin sa nabanggit ni Xian si presidential candidate Bongbong Marcos na umano'y ginawang blind item ng Pangulo.

Si Christian Albert "Xian" Gaza ay unang nakilala sa social media matapos ang kanyang kontrobersyal na billboard proposal kay Erich Gonzales para magkape.

Matapos ito, gumawa muli siya ng ingay sa social media nang madawit bilang isang umanong scammer. Sa katunayan ay nakulong pa ito ngunit nakapag-piyansa. Sa ngayon, sinasabing nasa ibang bansa ito at mayroong sariling negosyo.

Read also

Xian Gaza, bumati ng magandang umaga sa lahat maliban kay Bongbong Marcos

Samantala, marami pa rin naman ang humanga sa kanya dahil sa pagtulong niya sa isang lalaking nahuling nagnakaw ng diaper.

Kamakailan, muling naging matunog ang pangalan ni Xian dahil sa agaw-eksenang billboard proposal niya sa South Korea kung saan inaya niya para sa isang dinner date si "Jennie" na isa sa mga miyembro ng K-pop group na 'Blackpink'.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel