Diego Loyzaga, hindi nagpatinag sa mga binunyag ni Xian Gaza

Diego Loyzaga, hindi nagpatinag sa mga binunyag ni Xian Gaza

- Matapos ang diretsahang pagbanggit ni Xian Gaza sa pangalan niya, hindi nagpatinag si Diego Loyzaga

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

- Sa kanyang Facebook post ay binahagi niya ang promotional post ng Vivamax original movie nila ni Barbie Imperial na Dulo

- Sa poster ng nasabing movie ay nakalagay ang tanong na "Kailan mo na-realize na wala nang pag-asa ang relasyon niyo"

- Sa kanyang post ay tila sinagot ni Diego ang patutsada ni Xian ng "Nung nagpunta ako sa Pampanga… kasama si BIANCA"

Naging mainit na usapin ang mga blind item ni Xian Gaza kamakailan na sumabay sa hiwalayang Wil Dasovich at Alodia Gosiengfiao. Gayunpaman, lalong naging maingay ang post nito kung saan binanggit na niya ang pangalan nina Diego Loyzaga at Barbie Imperial.

Diego Loyzaga, hindi nagpatinag sa mga binunyag ni Xian Gaza
Picture from Christian Albert Gaza
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Xian Gaza, tinanong si Diego Loyzaga kung bakit bumibisita raw sa bahay nila AJ Raval sa Pampanga

Imbes na sagutin ang tanong ni Xian kung ano ang ginawa ni Diego sa Pampanga sa bahay nina AJ Raval, binahagi niya ang promotional post ng Vivamax original movie ila ni Barbie Imperial na Dulo kung saan kasama niya si Barbie. Ang pangalan nilang dalawa sa nasabing pelikula ay Dex at Bianca.

Sa poster ng nasabing movie ay nakalagay ang tanong na "Kailan mo na-realize na wala nang pag-asa ang relasyon niyo?"

Sa kanyang post ay tila sinagot ni Diego ang patutsada ni Xian ng "Nung nagpunta ako sa Pampanga… kasama si Bianca."

Diego Loyzaga, hindi nagpatinag sa mga binunyag ni Xian Gaza
Screenshot from Diego Loyzaga's Facebook post
Source: Facebook

Maging si Barbie ay nagawa pang magbiro kaugnay dito.

Diego Loyzaga, hindi nagpatinag sa mga binunyag ni Xian Gaza
Screenshot from Barbie Imperial's Facebook post
Source: Facebook

Bago pa lumabas ang mga kontrobersiyal na pictures nila Aljur at AJ at kinalaunan ay nauwi sa patutsadahan nina Aljur at Kylie Padilla kamakailan. Kaya naman, marami sa mga netizens ang naiintriga sa mga post nito sa social media.

Si Christian "Xian" Gaza ay unang sumikat sa social media matapos ang kanyang kontrobersiyal na billboard proposal kay Erich Gonzales para mag-coffee. Kasunod nito ay naging maingay ang pangalan niya lalo na nang madawit siya bilang isang scammer. Sa katunayan ay nakulong pa ito ngunit nakapag piyansa at kasalukuyang nasa ibang bansa at mayroon nang sariling negosyo.

Read also

Ashley Gosiengfiao, nakita sa tarot reading ang paghihiwalay ng kapatid at ni Wil Dasovich

Marami ang humanga sa kanya dahil sa ginawa niyang pagtulong sa lalaking nahuling magnakaw ng diaper.

Muling naging usap-usapan ang billboard proposal niya kamakailan kung saan niyaya niya para sa isang dinner date si Jennie na miyembro ng K-pop group na Blackpink.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel