"Sobrang responsible" — Kris Aquino, ibinahagi ang nakaka-proud na ginawa ni Bimby

"Sobrang responsible" — Kris Aquino, ibinahagi ang nakaka-proud na ginawa ni Bimby

  • Nagbahagi ang malapit na kaibigan ni Kris Aquino na si Dindo Balares ng ilang kuwento mula mismo sa aktres tungkol sa kanyang anak na si Bimby, kabilang ang pagiging responsable nito at ang patuloy na pagtulong sa kanilang pamilya habang abala sa kanyang trabaho bilang guest co-host ng Eat Bulaga
  • Ayon kay Kris, kahit nakararanas ng pananakit ng tiyan ay pumasok pa rin si Bimby sa trabaho at hindi umano ito ipinahalata sa kanyang mga kasamahan, bagay na lalo niyang ipinagmalaki bilang isang ina
  • Ibinahagi rin ni Kris na nagpadala si Bimby ng ₱20,000 sa kanyang GCash upang may magamit siyang pambili ng damit para sa kanyang nakatatandang anak na si Josh, habang sama-sama rin silang nag-iipon para sa mas malalaking plano ng kanilang pamilya
  • Maraming netizens ang natuwa sa kuwento ni Kris tungkol sa kanilang samahan bilang isang pamilya, lalo na sa ipinakita ni Bimby na pagiging responsable at maalalahanin sa kanyang ina at kapatid

Read also

Kapatid ng biktima, nagsalita sa Senate hearing tungkol sa Tacloban shooting

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Sa Facebook post ng entertainment columnist na si Dindo Balares, ibinahagi nito ang ilan sa kanilang naging pag-uusap ni Kris. Dito ay ikinuwento ng Queen of All Media kung gaano niya ipinagmamalaki ang kanyang bunsong anak, hindi lamang dahil sa kanyang pagiging magalang at propesyonal, kundi maging sa paraan nito ng pag-aalaga sa kanilang pamilya.

"Sobrang responsible" — Kris Aquino, ibinahagi ang nakaka-proud na ginawa ni Bimby
"Sobrang responsible" — Kris Aquino, ibinahagi ang nakaka-proud na ginawa ni Bimby (📷Dindo M. Balares/Facebook)
Source: Facebook

Ayon kay Kris, pumasok pa rin si Bimby bilang guest co-host ng Eat Bulaga kahit hindi maganda ang kanyang pakiramdam.

“He had an upset tummy but never showed his coworkers,” kuwento ni Kris kay Dindo.

Ibinahagi rin ni Dindo na sa video na kuha ng assistant ni Bimby na si Jack Salvador, tila si Ryzza Mae Dizon lamang ang nakapansin na hindi maganda ang pakiramdam ng kanyang co-host. Makikita umanong hinaplos ni Ryzza ang tiyan ni Bimby habang tila kinukumusta ito.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Bukod dito, mas lalo pang ikinatuwa ni Kris ang ginawa ng kanyang anak matapos itong magpadala ng pera sa kanyang GCash.

Read also

Angel Castro, nagbahagi ng nakababahalang karanasan matapos magpa-eyelash extension

“He gave me ₱20K for my GCash so I could buy clothes for his Kuya from Manfinity Plus Size (from those unaware that’s a brand from SHEIN for larger men),” ayon kay Kris.

Hindi rito nagtapos ang kanyang kuwento. Ibinahagi rin niya kung gaano siya kasaya sa pagiging responsable ng kanyang anak.

“Sobrang responsible, he knows I want to remodel our home in Alto (our compound in Tarlac) and get him and his Kuya a larger SUV.”

Dagdag pa niya, ang kanilang pamilya ay nagtutulungan sa pag-abot ng mas malalaking pangarap.

“That’s our family of 3, we love each other and share expenses when we have a larger goal.”

Marami sa mga netizens ang natuwa sa simpleng kuwento ni Kris. Para sa iba, ipinakita nito kung gaano kalapit ang relasyon nilang mag-iina at kung paano nila pinahahalagahan ang pagtutulungan sa loob ng kanilang tahanan.

Sa kabila ng matagal na pakikipaglaban ni Kris sa kanyang kalusugan, patuloy pa rin siyang nagbibigay ng updates tungkol sa kanyang buhay at sa kanyang mga anak. Madalas ding ibinabahagi ng kanyang malalapit na kaibigan, kabilang si Dindo Balares, ang ilang mahahalagang kuwento tungkol sa kanyang kasalukuyang kalagayan at sa mga tagumpay nina Josh at Bimby.

Read also

Pamilya ni Rene Baterbonia, binisita ang lugar ng trahedya sa Aurora

Si Kris Aquino ay isa sa pinakakilalang personalidad sa Philippine entertainment industry. Bukod sa kanyang naging matagumpay na karera bilang host at aktres, kilala rin siya sa pagiging hands-on na ina kina Josh at Bimby. Sa mga nakalipas na taon, naging bukas siya sa publiko tungkol sa kanyang kalagayan sa kalusugan, habang patuloy namang tumatanggap ng suporta mula sa kanyang pamilya, mga kaibigan, at mga tagahanga.

Sa naunang ulat ng KAMI, naging usap-usapan ang pahayag ni Kris Aquino na ikinakilig umano nina Bimby at Ryzza Mae Dizon ang ilang tagahanga. Ibinahagi rin doon ang ilang kuwento tungkol sa magandang samahan ng dalawa habang magkasama sa Eat Bulaga.

Sa isa pang ulat ng KAMI, ipinagtanggol ni Kris si Ryzza Mae matapos makatanggap ng mga negatibong komento sa social media. Naglabas siya ng matapang na mensahe upang ipakita ang kanyang suporta sa batang host at aktres, na matagal na ring malapit sa kanilang pamilya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate