Pamilya ni Rene Baterbonia, binisita ang lugar ng trahedya sa Aurora

Pamilya ni Rene Baterbonia, binisita ang lugar ng trahedya sa Aurora

  • Muling nagtungo sa Dipaculao, Aurora ang pamilya ni Rene Clert "Bobet" Baterbonia upang alalahanin ang batang atleta at bisitahin ang mismong lugar kung saan nangyari ang trahedyang kumitil sa kanyang buhay habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad
  • Kasama ng kanyang mga magulang at nakatatandang kapatid ang emosyonal na pagbisita sa dalampasigan, kung saan nag-alay sila ng tahimik na panalangin at paggunita sa alaala ng kanilang mahal sa buhay
  • Nagbahagi rin ng mga larawan at mensahe ang pamilya sa social media, kabilang ang simpleng katagang "bet naa nami, uli na ta" na umantig sa damdamin ng maraming netizens na patuloy na nagpapakita ng suporta
  • Habang hinihintay ang resulta ng mga imbestigasyon, nananatiling umaasa ang pamilya ni Bobet na mabigyang-linaw ang lahat ng pangyayari at makamit ang hustisyang kanilang hinihiling para sa batang atleta

Hindi pa rin natatapos ang pagdadalamhati ng pamilya ni Rene Clert "Bobet" Baterbonia matapos ang sinapit ng batang basketball player na nasawi sa isang team-building activity sa Dipaculao, Aurora noong Hunyo 8.

Read also

Isang sikat na beauty queen ang nasawi dahil sa malakas na lindol

Pamilya ni Rene Baterbonia, binisita ang lugar ng trahedya sa Aurora
Pamilya ni Rene Baterbonia, binisita ang lugar ng trahedya sa Aurora (📷Municipal Information Office/LGU-Talacogon)
Source: Facebook

Noong Miyerkules, muling nagtungo sa mismong dalampasigan ang kanyang mga magulang at nakatatandang kapatid upang bisitahin ang lugar kung saan huling nakita ang batang atleta. Tahimik silang nag-alay ng panalangin at nagbigay-pugay sa alaala ni Bobet habang patuloy nilang hinaharap ang matinding lungkot dulot ng kanyang pagkawala.

Sa larawang ibinahagi ng Talacogon Municipal Information Office, makikitang nakatayo ang pamilya malapit sa dalampasigan kung saan may mga bulaklak na inialay bilang pag-alala sa batang atleta.

Ayon sa Talacogon MIO, "Uban sa kasubo ug gugma, ilang gihandom ang mga panghitabo nga dili na gayud mapulihan (With grief and love, the family cherished the moments that can never be replaced.)."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Samantala, ibinahagi rin ng nakatatandang kapatid ni Bobet na si Rubeyan ang kanilang pagdating sa Aurora sa pamamagitan ng ilang larawan sa social media.

Kasama sa kanyang caption ang maikling mensaheng, "bet naa nami, uli na ta (Bet, we're here. Let's go home.)." Marami sa mga netizen ang naantig sa simpleng mensaheng ito at nagpaabot ng kanilang panalangin para sa buong pamilya.

Read also

Isang menor de edad ang isinailalim sa kustodiya matapos ang pag-inspeksyon

Bago ang pagbisita sa Aurora, nagtungo muna sa Maynila ang pamilya mula sa Talacogon, Agusan del Sur ilang araw matapos mailibing si Bobet. Layunin nilang makipagpulong sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) habang nagpapatuloy ang imbestigasyon kaugnay ng insidente.

Kasabay nito, ibinahagi rin sa social media ng ina ni Bobet ang ilang video habang sila ay patungo sa CIDG. Kapansin-pansin umano ang isang kalapating dumapo sa kanilang sasakyan.

Sa caption ng kanyang post, isinulat niya, "Nak, salamat sa pag guide ug pag uban2x sa akoa Wala man jud koy lain masangpit karon na panahon kondi Ang ginoo ug Ikaw lang jud nak."

Sa mga nagdaang araw, naging usap-usapan din sa social media ang mga video ng dalawang kalapati na nakita sa dalampasigan ng Dipaculao at maging sa burol ni Bobet. Maraming netizens ang nagbigay ng kani-kanilang interpretasyon sa mga ito bilang simbolo ng pag-alala at pag-asa, bagama't wala namang opisyal na pahayag na nagpapatunay sa mga naturang paniniwala.

Si Rene Clert "Bobet" Baterbonia ay isa sa mga promising young basketball players ng Ateneo de Manila Blue Eagles. Kasama niyang nasawi sa insidente ang kanyang Nigerian teammate na si Divine Adili.

Read also

Julia Montes na-touch nang makaharap ang humihinging tawad na si Katherine Luna

Hanggang ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng iba't ibang law enforcement agencies upang matukoy ang buong pangyayari at kung may pananagutan o kapabayaan na naging dahilan ng trahedya.

Sa kabila ng matinding sakit na nararamdaman, patuloy na ipinapakita ng pamilya ni Bobet ang kanilang katatagan. Naniniwala silang darating din ang araw na mabibigyang-linaw ang lahat ng katanungan at maibibigay ang hustisyang matagal na nilang hinihintay.

Isa sa mga naunang ulat ng KAMI ay tungkol sa naging paninindigan ng ina ni Bobet kaugnay ng mga jersey ng kanyang anak. Ayon sa kanyang pahayag, hindi niya kayang ipagbili ang mga ito dahil nagsisilbi itong mahalagang alaala ng kanyang anak. Patuloy niyang iniingatan ang mga gamit ni Bobet bilang simbolo ng pagmamahal at paggunita.

Sa isa pang ulat, ibinahagi rin ng KAMI na nakatanggap ng malaking tulong ang pamilya ni Bobet mula sa iba't ibang indibidwal at grupo. Malaki ang naitulong ng mga biyayang ito sa pamilya habang patuloy silang nagdadalamhati at naghihintay ng resulta ng mga isinasagawang imbestigasyon kaugnay ng insidente.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate