Matet de Leon, naglabas ng saloobin sa usaping 'mana'
- Matet de Leon muling nagsalita ukol sa family dispute sa pamana at legacy ng kanilang ina na si Nora Aunor, matapos ang palitan ng matitinding pahayag nina Ian at Lotlot de Leon
- Sa kanyang TikTok post, ginamit ni Matet ang kanta ng Yano na “Banal Na Aso, Santong Kabayo” at sinundan ito ng mga komento na nagpapakita ng kanyang pagkadismaya sa patuloy na pagtalakay ng isyu sa publiko
- Matet diretsahang nagsabi ng kanyang saloobin, kabilang ang mga pahayag na “Kami ba ang ggo? O ang mga tao?” at “Wala akong pakialam kay Ian”, na nagbigay ng matinding reaksiyon mula sa netizens*
- Ang isyu sa pamana ay patuloy na lumalala matapos ang magkakasalungat na pahayag nina Ian at Lotlot, kung saan parehong iginiit na hindi sila nagsisinungaling sa usapin ng One Person Corporation na itinatag para sa legacy ni Nora Aunor
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Muling naglabas ng saloobin ang aktres na si Matet de Leon kaugnay sa patuloy na kontrobersya sa pamana at legacy ng kanilang ina, ang National Artist at Superstar na si Nora Aunor. Sa gitna ng palitan ng matitinding pahayag ng kanyang mga kapatid na sina Ian at Lotlot de Leon, hindi na napigilan ni Matet ang kanyang pagkadismaya.

Source: Instagram
Sa kanyang TikTok post, ginamit ni Matet ang kanta ng Yano na “Banal Na Aso, Santong Kabayo” at sinundan ito ng mga komento na nagpapakita ng kanyang frustration. Maraming netizens ang nagbigay ng opinyon, ngunit diretsahan niyang sinagot ang ilan, kabilang ang pahayag na “Kami ba ang ggo? O ang mga tao? Nananahimik kami. Mana ng mana. Nakaka suka naaaaaaa!”* Dagdag pa niya, “Wala akong pakialam kay Ian.”
Nagbigay rin siya ng sarcastic na tugon sa isang netizen na nagsabing baka hindi siya nabigyan ng pamana dahil sa kanyang ugali. Sagot ni Matet: “Oo nga.” Sa isa pang komento, tila nagbiro siya tungkol sa kawalan ng privacy sa kanilang pamilya: “Walang privacy privacy!!! Dapat naka labas lahat!!! lahaaaaat!!! Hahahahaha.”
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Matatandaang noong Mayo, sa panayam niya sa Fast Talk with Boy Abunda, nilinaw ni Matet na hindi naman sila nakikipag-away kay Ian, kundi may misunderstanding lamang. Ayon sa kanya, “Actually hindi ko po masabing away but misunderstanding.” Inamin din niya na si Ian ang sole legal heir ng kanilang ina, ngunit iginiit na hindi sila naabisuhan tungkol sa Nora Aunor Foundation at Nora Aunor Enterprise na itinatag ni Ian. “Hindi po kami kasama. Nalaman na lang po namin about 'yung dalawa sa social media,” ani Matet.

Source: TikTok
Samantala, si Lotlot de Leon ay naglabas din ng matinding pahayag sa isang story conference ng kanyang pelikula. Galit niyang sinabi: “Enough. Enough with the lies. Tahimik ako, tahimik na si Matet, tahimik si Kiko at tahimik si Ken. Wala na kaming sinasabi, and then you go out on a TV show and then you tell everyone na sinabi mo sa amin, which is not true.” Dagdag pa niya, “Again, sa kaniya na lahat. Wala akong hinihingi. Wala kaming hinihingi. Wala akong inaagaw, walang inaagaw si Matet. He can have it all...Galit ako. Galit na galit ako.”
Sa kabilang banda, iginiit ni Ian na hindi siya nagsisinungaling at hinamon si Lotlot na tigilan ang pagsisinungaling kay Christopher de Leon, ang kanilang ama. “Enough with the lies? You stop. You stop telling lies especially to my dad,” ani Ian sa kanyang Facebook page. Nag-upload pa siya ng screenshot ng Zoom call bilang patunay na alam ng kanyang mga kapatid ang tungkol sa corporation.
Si Lotlot de Leon ay nagsalita rin sa isyu ng pamana, kung saan mariin niyang itinanggi na sila ay nakikipag-agawan sa ari-arian ng kanilang ina.
Si Ian de Leon naman ay iginiit na hindi siya nagsisinungaling sa usapin ng One Person Corporation tet ipinakita pa ang ebidensya ng Zoom call.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh


