Ian de Leon, iginiit na hindi siya nagsisinungaling sa usapin ng OPC at pamana

Ian de Leon, iginiit na hindi siya nagsisinungaling sa usapin ng OPC at pamana

  • Ian de Leon mariing itinanggi ang akusasyon ng kanyang kapatid na si Lotlot de Leon na nagsisinungaling siya tungkol sa one-person corporation at foundation para kay Nora Aunor, iginiit niyang nais lamang niyang ayusin muna ang legalidad bago ito ilunsad
  • Sa kanyang Facebook post, ipinaliwanag ni Ian na naglabas siya ng pahayag upang protektahan ang pamilya laban sa posibleng legal na problema matapos malaman na may mga nagdonate kahit hindi pa kumpleto ang SEC registration ng foundation
  • Ibinunyag din ni Ian na muntik siyang ma-entrap sa isang event kung saan pinapapirma siya nang hindi agad ipinaalam ang tunay na pakay ng kanilang dinner, bagay na nagdulot ng pangamba sa kanya
  • Naglabas si Ian ng screenshot ng Zoom meeting bilang ebidensya na ipinaalam niya ang kanyang plano sa mga kapatid, at muling iginiit na wala siyang masamang sinabi laban sa kanila sa kanyang panayam kay Boy Abunda

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Nagpatuloy ang mainit na palitan ng pahayag sa pagitan ng magkapatid na sina Ian de Leon at Lotlot de Leon kaugnay ng usapin ng one-person corporation (OPC) at foundation na nakalaan para sa kanilang yumaong ina, ang National Artist na si Nora Aunor.

Read also

Josh Ford, nilinaw ang operasyon sa ilong matapos ang limang surgery

Ian de Leon, iginiit na hindi siya nagsisinungaling sa usapin ng OPC at pamana
Ian de Leon, iginiit na hindi siya nagsisinungaling sa usapin ng OPC at pamana (đź“·IDL Arts and Paintings/Facebook)
Source: Facebook

Sa press conference ng pelikulang “40 Days”, binanggit ni Lotlot na nagsinungaling umano si Ian sa kanyang panayam kay Boy Abunda. Ayon kay Lotlot, hindi umano nagsabi ng totoo si Ian tungkol sa OPC at sa plano para sa foundation.

Agad namang sumagot si Ian sa pamamagitan ng kanyang Facebook Page na IDL Arts and Paintings. “Enough with the lies? You stop. You stop telling lies especially to my dad,” ani Ian sa kanyang post.

Ipinaliwanag ni Ian na hindi siya agad pumayag sa foundation dahil nais muna niyang ayusin ang mga legal na dokumento. “That time I said I’m not ready to commit dahil gusto kong ayusin muna nila yung legal papers nyan… Days and days after launching I was monitoring their SEC registration but it’s still not yet up,” aniya. Dagdag pa niya, may mga nagdonate na kahit hindi pa kumpleto ang papeles, kaya napilitan siyang maglabas ng pahayag upang protektahan ang pamilya.

Read also

Lotlot de Leon nagsalita: “He can have it all!” sa isyu ng pamana ni Nora Aunor

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ibinahagi rin ni Ian na muntik siyang ma-entrap sa isang event kung saan pinapapirma siya nang hindi ipinaalam ang tunay na pakay ng kanilang dinner. “Gusto nyo akong i-entrap during one event to sign something without telling right away what our dinner is all about that’s why pala you have your lawyers with you,” dagdag pa niya.

Bilang patunay na ipinaalam niya ang kanyang plano, nag-post si Ian ng screenshot ng Zoom meeting kung saan dalawang beses umanong dumalo ang kanyang mga kapatid. “He never told us anything? So wala na yung Zoom meeting ng dalawang beses sila umattend?” ani Ian.

Sa panayam kay Boy Abunda, nilinaw ni Ian na siya ang legal heir ni Nora Aunor ngunit iginiit na magiging patas siya sa kanyang mga kapatid. “Sakin na lahat?… I was clear, that told you guys na tulong-tulong tayong lima dito at maging transparent sa isat isa and everything will take time and everything will be divided equally,” paliwanag niya.

Read also

Bea Borres, sinagot ang komentong “insecure ka lang”

Si Ian de Leon ay anak ni Nora Aunor at Christopher de Leon. Kilala siya bilang isang aktor at pintor. Sa mga nakaraang taon, naging sentro ng usapin ang pamana at legacy ng kanilang ina, lalo na matapos ang state funeral ng Superstar.

Sa artikulong Ian de Leon nagpaliwanag ukol sa one-person corporation, sinagot din ang isyu ng pamana, ipinaliwanag ni Ian ang kanyang panig tungkol sa OPC at foundation. Nilinaw niya na nais lamang niyang ayusin ang legalidad bago ito ilunsad at iginiit na wala siyang intensyong agawin ang pamana.

Sa artikulong Lotlot de Leon nagsalita sa isyu ng pamana ni Nora Aunor, ipinahayag ni Lotlot ang kanyang saloobin sa usapin ng pamana. Binanggit niya na hindi siya interesado sa materyal na bagay at mas mahalaga para sa kanya ang kabutihan at legacy ng kanilang ina.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate