Vice Ganda may matinding pahayag tungkol sa iresponsableng magulang

Vice Ganda may matinding pahayag tungkol sa iresponsableng magulang

  • Sa segment na “Laro Laro Pick” ng It’s Showtime, isang senior citizen na si Lola Neknek ang nagbahagi ng kanyang kwento tungkol sa pagpapalaki ng kanyang tatlong apo na iniwan ng kanilang mga magulang
  • Ayon kay lola, ang mga magulang ng mga bata ay nangako ng sustento ngunit hindi ito natupad, at mayroon na rin silang kanya-kanyang bagong pamilya kaya’t siya na lamang ang nagtaguyod sa mga apo
  • Hindi naitago ni Vice Ganda ang kanyang emosyon, una’y pabiro ngunit kalaunan ay seryosong ipinahayag ang kanyang pagkadismaya sa mga magulang na iniwan ang responsibilidad sa matanda
  • Nagbigay ng payo si Vice na ang bawat desisyon sa buhay ay dapat pinapasan ng gumawa, at hinikayat ang mga magulang na bumawi at ituwid ang kanilang pagkakamali para sa kapakanan ng mga bata

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Isang emosyonal na eksena ang naganap sa It’s Showtime nang lumahok ang madlang senior citizens sa segment na “Laro Laro Pick.” Isa sa mga player, si Lola Neknek, ang nagbahagi ng kanyang kwento na agad na tumimo sa puso ng mga manonood. Sa kabila ng kanyang edad, siya ang nagtataguyod sa kanyang tatlong apo na may edad 7, 12, at 15, matapos iwan ng kanilang mga magulang.

Read also

Miss Glenda, muling hinarap ang laban sa kalusugan

Vice Ganda may matinding pahayag tungkol sa iresponsableng magulang
Vice Ganda may matinding pahayag tungkol sa iresponsableng magulang (📷@praybeytbenjamin/IG)
Source: Instagram

Ayon kay lola, puro pangako lamang ang natanggap niya mula sa mga magulang ng mga bata na magpapadala ng panggastos, ngunit hindi ito natupad. Bukod pa rito, mayroon na rin silang kanya-kanyang bagong pamilya kaya’t siya na lamang ang nag-alaga at nagtaguyod sa mga apo. Sa kabila ng hirap, nanatiling matamis ang kanyang ngiti habang nakikilahok sa laro.

Hindi naitago ni Vice Ganda ang kanyang emosyon. “Anong pangalan ng mga magulang na ’yan?! Bakit nandito sa matanda ’yung mga bata! Kawawa naman ito!” sigaw ni Meme, na una’y pabiro ngunit kalaunan ay naging seryoso. Dagdag pa niya, “Diyos ko naman ’yang ganyang mga magulang! Pagkatapos tumirik ang mga mata, naglayasan na. Hindi gano’n! Hindi pwedeng happy-happy ka lang nang three hours tapos ’yung lungkot habambuhay sa matanda. That’s just so unfair. Ang unfair sa matanda. Ang unfair sa mga bata.”

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Bagama’t halatang disappointed, nagbigay ng payo si Vice sa mga magulang ng mga bata. “Alam mo, sa buhay mayroon tayong mga desisyon na nagagawang mali. Hindi naman tayo perfect, eh. May mga nagagawa tayong desisyon, pero make sure na lahat ng desisyon mo, kailangan ikaw ang pumapasan, tama man ito o mali. Hindi ’yung gawa ka lang nang gawa tapos ang mga epekto nito, iba ang pumapasan. Hindi gan’on ang life.”

Read also

Dating management ni Janine, nagsalita sa paglipat niya sa Star Magic

Dagdag pa niya, “You have to be responsible. Kung sino man ’yung magulang, may pagkakataon ka pa. Pwede kang bumawi bukas. Pwede mong unti-unting ituwid ang mga pagkakamali na ’yan.”

Kamakailan, nagsalita si Vice Ganda laban sa mga kritiko ng ABS-CBN. Sa ulat ng Kami, ipinahayag ng komedyante ang kanyang saloobin tungkol sa patuloy na suporta ng publiko sa network at ang kahalagahan ng pagbibigay ng saya sa mga manonood.

Bukod pa rito, sinita rin ni Vice Ganda ang gobyerno tungkol sa kalagayan ng mga jeepney drivers. Sa ulat ng Kami, ipinakita ng komedyante ang kanyang malasakit sa mga tsuper na apektado ng krisis sa transportasyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate