Vicki Belo, nakilahok sa viral 2016 'throwback' trend: "My heart is full"
- Naki-uso si Dra. Vicki Belo sa kanyang Instagram nang sumali siya sa sikat na 2016 throwback trend
- Tampok sa kaniyang post ang mga "tiny baby moments" ng kanyang anak na si Scarlet Snow Belo
- Ibinahagi ni Dra. Vicki ang pasasalamat sa kaniyang "favorite people"—ang asawang si Dr. Hayden Kho at anak na si Scarlet Snow
- Ginamit ng doktora ang kanta ni Taylor Swift na "Never Grow Up" para sa kaniyang post
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Sa kanyang pinakabagong Instagram post, muling binalikan ng tanyag na celebrity doctor na si Dra. Vicki Belo ang mga espesyal na sandali ng kanyang pamilya noong taong 2016.

Source: Instagram
"Hopping on the 2016 trend with my favorite people," caption ng doktora sa kaniyang post na nagpapakita ng kanilang "sweet little" Scarlet Snow Belo noong sanggol pa lamang ito.
Ang nasabing trend ay nagpapakita ng transition ng pamilya mula sa mga "tiny baby moments" noong 2016 hanggang sa kung gaano na kaganda ang kanilang pamilya sa kasalukuyan. Ayon kay Dra. Vicki, "super cute" ang kaniyang anak noong maliit pa ito at aminadong nagugulat siya sa bilis ng paglaki nito.
Kasama rin sa mga ibinahaging larawan ang asawa ni Vicki na si Dr. Hayden Kho, na makikitang masayang karga at kalaro ang noon ay baby na si Scarlet. Punong-puno ng emosyon ang doktora habang inaalala ang mga panahong ito, at sinabing "my heart is full" dahil sa pagmamahal na ibinibigay ng kaniyang pamilya sa kanya.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Umani naman ng samu't saring positibong komento ang nasabing post mula sa kaniyang mga followers. Marami ang nagsabing naging inspirasyon ang kanilang pamilya sa katatagan at pagmamahalan nila sa loob ng maraming taon.
Si Vicki Belo ay isang kilalang dermatologist, negosyante, at media personality. Noong 1990, itinayo niya ang kanyang unang clinic sa Makati, kung saan siya ang nanguna sa pagpapakilala ng liposuction at laser treatments sa bansa. Pinalawak niya kalaunan ang negosyo at itinatag ang Belo Medical Group, na ngayon ay may higit 15 branches sa buong Pilipinas. Kilala si Dra. Belo hindi lamang sa kanyang makabagong ambag sa larangan ng aesthetics kundi pati na rin sa kanyang personal na paglalakbay. Noong 2016, nalampasan niya ang Stage 3 Br*ast Cancer at ipinagdiwang ang kanyang pitong taon ng remission noong 2023. Bukas niyang ibinahagi kung paano siya sinuportahan ng kanyang pamilya, lalo na ng kanyang asawa na si Dr. Hayden Kho.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay napaiyak ang sikat na celebrity doctor na si Vicki Belo matapos panoorin ang bagong pelikula ni Vice Ganda na "Call Me Mother." Inamin ni Vicki na labis siyang na-touch sa ganda ng kwento at sa husay ng mga aktor sa pelikula. Dahil sa hindi matigil na pag-iyak ni Vicki, pabirong nag-react si Vice Ganda at sinabing ngayon lang niya nakita ang doktor na ganun. Pinuri ni Vicki ang mensahe ng pelikula na nakaka-inspire raw ito.
Samantalang noong 2025 ay inamin ni Vicki Belo na paminsan ay isinusumbong niya si Alex Gonzaga. Aniya Vicki, may mga oras na kailangan niyang i-contact si Toni Gonzaga. Say kasi ni Vicki sa vlog, may mga panahong hindi kasi siya pinapakinggan ni Alex. Marami naman ang naaliw sa rebelasyon na ito ng kilalang celebrity dermatologist.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

