Bettinna Carlos, aminadong "different" ang kanyang pagbubuntis ngayon: "Ibang level!"

Bettinna Carlos, aminadong "different" ang kanyang pagbubuntis ngayon: "Ibang level!"

  • Opisyal nang pumasok si Bettinna Carlos sa kanyang ikalawang trimester ng pagbubuntis
  • Sa naturang post, ibinahagi ng dating aktres na kambal ang kanyang dinadala ngayon
  • Inamin ni Bettinna na naging "ibang level" ang hirap na naranasan niya noong unang trimester, kabilang ang matinding nausea
  • Sa kabila ng mga side effects, laking pasasalamat niya na nagagawa pa rin niyang pagsilbihan ang kanyang pamilya

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Isang napakagandang balita ang ibinahagi ng celebrity mom at vlogger na si Bettinna Carlos sa kanyang mga followers sa Instagram. Sa kanyang pinakabagong post, hindi lamang niya ibinida ang kanyang lumalaking baby bump, kundi ipinakita rin niya ang isang ultrasound image na may caption na "hi twins!"

Bettinna Carlos, aminadong "different" ang kanyang pagbubuntis ngayon: "Ibang level!"
Bettinna Carlos, aminadong "different" ang kanyang pagbubuntis ngayon: "Ibang level!" (@bettinnacarlos.eduardo)
Source: Instagram

Ayon kay Bettinna, masaya siyang nakatawid na sa kanyang unang trimester, na inilarawan niya bilang hindi naging "most pleasant" na karanasan. Inamin niya na ibang-iba ang pagbubuntis na ito kumpara sa kanyang mga nauna.

"The nausea - ibang level! Hindi ako mapakinabangan buong araw!" pagbabahagi ng dating aktres tungkol sa matinding pagkakaramdam ng hilo at pagsusuka.

Read also

Angelica Panganiban, may sweet na pagbati sa kaarawan ng 'amigah' na si Glaiza de Castro

Ikinuwento rin niya ang pagkakaroon ng mga "seasonal" at "thematic" na cravings, kung saan kailangan niyang kumain tuwing dalawang oras. Sinabi ni Bettinna na nakaranas din siya ng pagputok ng mga blood vessels tuwing siya ay nagsusuka, ngunit laking pasalamat niya na tapos na ang yugtong ito.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa huli, nananatiling positibo si Bettinna at nagpapasalamat sa Panginoon sa kabila ng mga pisikal na hamon.

"Thank you Lord I still got to cook even with intolerable smells and flavors I don’t particularly wanna eat and could still serve my mag-aama," mensahe niya.

Nagpapasalamat din siya sa mga sandaling nakakaramdam siya ng lakas para maturuan ang kanyang anak na si Amina o mapanood ang laro ni Gummy.

Swipe left para makita pa ang ibang photos:

Si Bettinna Carlos ay isang Pilipinang aktres at host. Sinimulan niya ang kanyang karera sa edad na 15 sa GMA Network. Kalaunan ay lumipat siya sa ABS-CBN bago muling bumalik sa GMA noong 2012. Bukod sa pag-arte, naging host din siya ng cooking show na Idol sa Kusina. Sa kanyang personal na buhay, may anak si Bettina na nagngangalang Amanda Lucia. Ikinasal siya kay Mikki Eduardo noong December 2020, at noong 2022 ay isinilang ang una nilang anak na magkasama, si Amina Elizabeth. Bukas ding ibinabahagi ni Bettina ang kanyang karanasan bilang single mother noon at ang buhay ng kanyang pamilya sa La Union, kung saan binibigyang-diin niya ang kanyang pananampalataya at katatagan sa buong paglalakbay ng kanyang buhay.

Read also

Alex Gonzaga, nagbahagi ng madamdaming pagbati para sa kaarawan ni Toni Gonzaga

Sa nakaraang ulat ng KAMI noong 2025 ay naging emosyonal si Bettinna Carlos dahil sa request ng kanyang panganay na si Gummy. Kamakailan ay nag-crave kasi ito ng dating bine-bake niya na pagkain na 'Nutella Rocks.' Aniya Bettinna, ang huling beses silang nakakain nito ay noong December 2020 pa nga. Dahil dito ay napa-reflect at napa-look back ang dating aktres sa kanilang journey noon.

Samantalang noong taon din na iyon ay naimbitihan ni Toni Gonzaga si Bettinna Carlos sa 'Toni Talks.' Dito ay nag-open up si Bettina tungkol sa biological dad ng kanyang anak na si Amanda Lucia o Gummy. Sa naturang episode, binalikan ni Bettina ang panahong iniwan niya ang ama ni Gummy. Aniya Bettina sa interview, "I tried to work things out, pero lahat talaga pinag-aawayan namin"

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco