Gretchen Ho, nagpasalamat sa Ph Embassy sa Norway sa mabilis na aksyon sa isyu ng diskriminasyon

Gretchen Ho, nagpasalamat sa Ph Embassy sa Norway sa mabilis na aksyon sa isyu ng diskriminasyon

  • Nagpasalamat si Gretchen Ho sa Philippine Embassy sa Norway sa agarang pagtugon sa insidente ng diskriminasyon na naranasan ng kanyang kaanak sa Oslo
  • Tinanggihan umano ng foreign exchange counter ang pagpalit ng dolyar ng kanyang kaanak dahil umano sa korapsyon sa Pilipinas
  • Pinuri ni Gretchen ang embahada at DFA sa kanilang mabilis na aksyon at sa pangakong hindi na mauulit ang insidente
  • Nanindigan ang TV host na hindi dapat nadidiskrimina ang mga Pilipino dahil tinanggal na ang bansa sa FATF at EU grey lists

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat si Gretchen Ho sa Philippine Embassy sa Norway matapos nitong agad na kumilos upang matiyak na hindi na mauulit ang insidente ng diskriminasyon na naranasan ng kanyang kaanak sa Oslo.

Gretchen Ho, nagpasalamat sa Ph Embassy sa Norway sa mabilis na aksyon sa isyu ng diskriminasyon
Gretchen Ho, nagpasalamat sa Ph Embassy sa Norway sa mabilis na aksyon sa isyu ng diskriminasyon (📷Gretchen Ho/Facebook)
Source: Facebook

Ayon kay Gretchen, ang kanyang ina at iba pang senior travelers ay tinanggihan ng isang foreign exchange counter sa Gardermoen Airport dahil umano sa “korapsyon at money laundering” sa Pilipinas. “One of our family members traveling abroad got denied at the foreign exchange counter... ‘You came from the Philippines? We cannot exchange your dollars because of the corruption and money laundering in the Philippines,’” ani Gretchen sa kanyang Facebook post.

Read also

Rachel Alejandro, emosyonal sa pag-alala sa yumaong amang si Hajji Alejandro

Ibinahagi ng TV presenter na agad siyang tinawagan ng Philippine Ambassador to Norway matapos niyang magsumite ng opisyal na ulat. “The Ambassador was surprised. As far as he knows, these incidents shouldn’t be happening. He says he’ll be meeting with the Norwegian foreign ministry to address the issue,” sabi niya.

Sa follow-up post noong Oktubre 18, nagpasalamat si Gretchen sa embahada para sa kanilang aksyon. “Thank you for this continuous effort from the Philippine Embassy in Norway to ensure that what happened to my mom and her fellow seniors won’t happen to other Filipinos,” wika niya. Dagdag pa niya, “This incident is bigger than my own family… we take the opportunity to ask why — to clarify, to understand, to verify, and to rectify.”

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Binigyang-diin din ni Gretchen na wala nang dahilan upang tanggihan ang mga Pilipino sa ganitong serbisyo. “It is clear that the Philippines has already been removed from the FATF and EU grey lists… There is no reason for ordinary Filipinos to be denied foreign exchange services,” aniya.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), itinuturing nilang isolated case ang pangyayari ngunit tiniyak nilang mananatili silang handang kumilos kung sakaling maulit ito. “The DFA has committed the same speedy response and prompt action to help our Kababayans,” dagdag ni Gretchen, na pinuri ang dedikasyon ng mga Pilipinong diplomat sa ibang bansa.

Read also

John Estrada, nagpakatotoo sa emosyon para kay Priscilla Meirelles

Si Gretchen Ho ay isang dating volleyball player na naging kilalang TV presenter, journalist, at women’s rights advocate. Naging bahagi siya ng Ateneo Lady Eagles bago pumasok sa larangan ng broadcasting. Isa siya sa mga host ng The Big Story at tagapagtatag ng proyektong #WomanInAction na layuning itaguyod ang empowerment ng kababaihan at kabataan. Sa mga nagdaang taon, ginamit niya ang kanyang plataporma upang isulong ang mga isyung panlipunan at proteksyon ng karapatan ng mga Pilipino sa loob at labas ng bansa.


Sa ulat na ito ng KAMI, unang inilahad ni Gretchen ang naranasang diskriminasyon ng kanyang kaanak sa Oslo. Tinawag niya itong “unacceptable” at umaasang matutugunan ng mga kinauukulan. Ipinahayag din niya na hindi dapat ipasa sa mga ordinaryong Pilipino ang mga isyung pang-institusyon na bumabalot sa bansa.


Nilinaw ng DFA na agad silang nakipag-ugnayan sa Philippine Embassy sa Norway upang tugunan ang ulat ni Gretchen. Ayon sa ahensya, kasalukuyan silang nakikipag-ugnayan sa mga awtoridad sa Norway upang matiyak ang patas na pagtrato sa mga Pilipino. Pinuri rin nila ang pagbibigay-alam ni Gretchen sa isyu, na naging daan upang mapalakas pa ang proteksyon sa mga kababayan sa ibang bansa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: